MATAPOS magbihis ay tumapat agad si Maki sa electric fan para tuyuin ang buhok. May twenty minutes pa siya para gawin iyon. Sa sasakyan na lang siya mag-aayos ng mukha. "Anak, dinalhan kita ng pagkain." "Baka di ko na po iyan makain. Nagtutuyo pa po ako ng buhok,” aniya at nalungkot nang makita ang pritong itlog na malasado ang pula na paborito niya at daing na bangus. "Ako na ang bahala sa buhok habang kumakain ka.” Kinuha nito ang suklay at siya naman ay kinain na ang agahan niya. Kahit na nagmamadali ay di niya pwedeng pabayaan ang sarili. Kailangan niya ng enerhiya para sa araw na iyon. Hindi naman biro ang trabaho ng mga public school teachers. Pagkatapos ng performance sa Annex ay babalik siya sa Central School para ituloy ang pagtuturo sa natitira pa niyang klase. Idagdag pa ang

