Chapter 17

1382 Words

PARANG bulkang nagbabantang sumabog si Maki nang pumasok ng Villa Rubella. Masaya siyang sinalubong ni Santina kahit na pasado alas siyete ng gabi na siya umuwi at hindi ang itinakda nitong alas sais ng hapon. "Hija, mabuti dumating ka na. Nariyan na ang Papa mo. Naghanda na ako ng paborito mong papaitan. Ako mismo ang nagluto." Masiglang-masigla ang tono nito na parang wala itong iniindang alalahanin. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Bakit ninyo ako ipinagluto ng papaitan? Hindi ba sabi ninyo hindi bagay sa isang sophisticated na babae ang kumain ng kambing? Na para sa lasenggang babae lang ang papaitang kambing?” At naalala pa niya ang pagkarimarim sa anyo nito noong bata pa siya at iyon ang ini-request niya na ulam. Na parang isang mortal na kasalanan ang kumain ng kambing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD