“ARE you having a great time?” tanong ni Benedikt sa kabilang linya habang kausap niya ito sa cellphone. Nilingon ni Maki ang nanay niya na paikot-ikot sa salamin suot ang ipinasukat niya ditong palda at blusa. Aztec ang design at sunod sa uso. It gave her a Bohemian look. Pero hindi na iyon bago sa kanya. Iyon mismo ang hilig na isuot ng nanay niya noong bata pa siya at isa pa itong mang-aawit. Parang kahapon lang iyon. Nasa isang boutique sila sa Gateway sa Cubao niya ito inikot mula nang sunduin niya ito sa restaurant kung saan ito pansamantalang nanunuluyan. At kita niya ang kislap sa mga mata nito ngayon. Masaya siya na kahit paano ay napagaan niya ang loob nito. “Yes. I am having a great time. Tapos na kaming magpa-spa, magpa-salon at ngayon ay nagsa-shopping kami. Mabuti napilit

