“KUMUSTA na ang ikakasal?” tanong ni Talia nang magkasabay sila sa pila para sa application for graduation. Ito na lang ang pagkakataon na nagkikita sila. Bukod kasi sa abala sila sa mga requirements para sa graduation ay di na sila nagkikita para gawin ang bagay na pareho nilang hilig – ang pag-awit. “Okay lang,” matamlay niyang sagot at kiming ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya. “Anong okay? Hindi ka mukhang okay. Kita mo nga nangangalumata ka na. Baka kapag nakita ka ni Benedikt biglang umurong iyon sa kasal ninyo dahil nakakatakot ang itsura mo. Wedding ang inaasikaso mo at hindi Halloween party.” Bumuntong-hininga siya at umusod sa pila na palapit sa counter. “Sumasakit lang kasi ang ulo ko.” Si Talia lang ang kaibigan niya na mahihingahan niya ng sama ng loob. Ang makakaunaw

