“You are really here,” anang si Benedikt habang magkahawak-kamay sila na bumaba ng stage. “I still can’t believe that you are here.” “Of course, I am here,” natatawang sabi ni Maki at pinunasan ang labi nito na may bahid pang tissue. “Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?” “Yes. Except the singing part. Alam mo na hindi ako basta-basta kumakanta sa harap ng maraming tao. Mabuti na lang nandito ka kung hindi baka bawiin ko ang bonus nila.” Isang alanganing ngiti ang ibinigay ni Teresina sa kanya nang samahan sila sa mesa. “Merry Christmas, Tita,” bati niya sa mga ito at binati rin ang gobernador at si Hannah na mukhang malungkot at di magawang ngumiti sa kanya kahit pabalat-bunga lang. Ito ang nagsabi na duwag siya at di niya kayang ipaglaban si Benedikt. Ngayon ay napatunayan na niyang mali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


