Natigagal si Maki habang pinagmamasdan ang sensual na kislap sa mga mata ni Benedikt habang nakatingin ito sa mga labi niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nakapagpayanig sa kanya – ang alok nitong gawin siyang s*x slave nito kapalit ng hindi pagpigil nito sa pagsasampa ng kaso sa nanay niya at sa mga kasamahan nito o ang pamilyar na sensasyong gumagapang sa buong katawan niya sa paghaplos sa labi niya. Do his every bidding? A s*x slave? Isang bahagi niya ang nagsasabi na kahit di nito sabihin ay handa siyang gawin ang lahat ng gusto nito. He already owned her. Ito lang ang lalaking kayang bumuhay sa nahihimbing niyang damdamin. Wala siyang kakayahang makaramdam ng atraksyon at pagmamahal sa ibang lalaki – kay Benedikt lang. But the logical side of her protested. Sino ba ang lalaking

