“MAKI, anong plano mo sa sem break?” tanong ni Karen ng kasamahang guro niya habang magkakasama silang nanananghalian. Iyon ang huling araw ng klase para sa semestreng iyon at kinabukasan ay simula na ng dalawang linggo nilang bakasyon. “Magbabakasyon ako sa best friend ko sa Palawan. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkikita,” nakangiti niyang sagot at sumubo ng adobong pusit gata sa pusit. “Aba! Gusto rin ni Pareng Robert na mag-Palawan din,” anang kasamahan nilang Filipino teacher na si Miroy saka siniko si Robert. “Di ba, pare? Kakukuha mo pa lang ng loan mo. Sabi mo gusto mong magbakasyon. Baka pwede kang sumama kay Maki. Mag-underground river kayo saka mag-island hopping. Maraming magagandang beach doon.” “Maki, okay lang bang sumama?” tanong ni Robert sa kanya. Alanganin

