Bago kami muling pumasok ni Larwin sa main cabin ay sinabihan ko siya na ako na lang ang magsasabi kay Ma’am Lady na boyfriend ko na siya. Kumunot ang noo niya at agad na nagtanong kung bakit. “Why is that?” tanong niya. Napalunok ako at agad na nagpaliwanag. Bukas ko pa naman dapat siya sasagutin dahil gusto ko munang sabihin kay Ma’am Lady ang totoong estado nila ni Maple. Pero dahil hindi ko kontrolado ang sitwasyon ay nagbago ang mga plano ko kaya dapat ay ayusin ko muna ito bago pa si Larwin ang maunang magsabi sa pamilya niya. “Hindi naman kasi alam ni Ma’am Lady na nanliligaw ka sa akin kaya siguradong magugulat siya kapag nalaman niyang boyfriend na kita. Kaya ako na ang magpapaliwanag–” “This is why I told you to let them know that I am courting you, Maureen. Ayaw mo kasing ipa

