Kanina pa ako nakatitig kay Tatay. Ang sabi ng doktor ay posible na bukas na daw siya ng umaga magising pero hindi ko pa rin magawang matulog o kahit na pumikit man lang hangga’t hindi ko siya nakikitang gising at nasa maayos na kalagayan. Halos kakatapos ko lang na tawagan at kausapin ang stepmother at mga kapatid ko at sinabi sa kanila na ayon sa doktor ay successful ang operation ni Tatay at hinihintay na lang na magising siya. Halata sa boses ng stepmother ko ang pagod at pag-aalala. Medyo paos na rin ang boses niya kanina nang tawagan ko at mukhang hangga’t hindi nakakatanggap ng balita tungkol kay Tatay ay patuloy siya sa pag-iyak. Ang mga kapatid kong sina Maxwell at Mason ay tahimik lang pero alam kong naiintindihan nila ang sitwasyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung baki

