Tunog ng ginawang pag-locked ni Larwin sa pinto ng cabin ang narinig ko nang nakapasok na kami sa cabin nila ni Kuya Mark. Sa halip na ibaba agad ako ay humalik pa siya nang humalik sa akin bago ako tuluyang ibinaba. “At last… nasolo rin kita…” nakangising sambit niya agad na nanliit ang mga mata ko nang maalala ang ginawa niya kay Kuya Mark. “Lagot ka kay Kuya Mark bukas!” nanliliit ang mga matang pananakot ko sa kanya. Mas lalo lang siyang ngumisi at saka yumuko para angkinin ulit ang mga labi ko. “I’ll take responsibility,” nakangising ambit niya pa at mukhang kampanteng kampante na hindi magagalit si Kuya Mark sa kanya dahil sa kalokohang ginawa niya! Alam ko naman na kaya niyang gawin ang kahit na anong gusto niya pero hindi talaga ako makapaniwala na maiisip niya pa ang bagay na ‘

