Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko kaya kahit antok na antok pa ako ay dinilat ko ang mga mata ko para tingnan kung sino ang send nang send ng message sa akin. Mas lalo akong napakunot noo nang makita ang oras. Alas sais pa lang ng umaga kaya hindi ko alam kung ano ang kailangan ng kung sino sa akin. “Architect?” mahinang sambit ko nang mabasa ang pangalan ni Architect Yura sa screen ng phone ko. Agad kong binasa ang message niya na mukhang kanina niya pa sinend sa akin. Architect Yura: Good morning, Mau! Architect Yura: Mau, gising ka na ba? Architect Yura: Mau! Hoy! Architect Yura: Mau, kami na yata ni Mark! Architect Yura: Kami na kaya?! “Sila na? Mag boyfriend na sila? Pero bakit sa akin niya tinatanong?” Litong-lito pa ako sa mga message ni Architect Yura at ilan

