Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang malalim niyang halik sa akin lalo na nang gumalaw ang kanyang labi. Kaya kaagad ko siyang naitulak. Kunot noo niya akong tinignan at hindi ata nagustuhan ang ginawa kong pagtulak sa kanya. Nabigla rin ako sa nangyari at ramdam ko din na may talab na yung beer na ininom ko kaya bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari ay pinigilan ko na siya. “Ah, eh Sir tutulog na pala ako! Sige po maiwan ko na kayo!” Hindi ko na siya inantay na magsalita pa. Dinampot ko na lamang ang basura ko at mabilis kong nilagay sa basurahan saka ako nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay patungo sa aking kwarto. Pagpasok ko ay saka pa lamang ako nakahinga ng tuluyan. Nagtungo ako sa kama at naupo. Muntikan na! Muntikan na akong mawala sa aking sarili! Ano na lamang

