Chapter 3

1768 Words
Halos malaglag ang aking panga nang tumingala ako sa Villegas Company. Sa itsura pa lamang nito ay halata muna kung gaano ito kalaki at kayaman ang may-ari nito puro tinted na salamin ang bawat palapag nito. Tunay ngang kahanga-hanga hindi lang ang nagpapatakbo dito kundi pati na rin ang kanilang kompanya. Kung papalarin akong makapasa sa interview ay hindi ko lamang siya makikita araw-araw. Siguradong malaki din ang maitutulong ko sa aking pamilya. Bigla akong kinabahan nang makapasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na receiving area. Malamig din dito at kahit umaga ay nakabukas pa rin ang magagandang chandelier. Parang hindi opisina ang lugar na ito. Para na rin siyang hotel. Nakakamangha ang bawat sulok sa lobby pa lamang paano pa kapag sa loob na ng opisina. Napansin ko ang mga empleyado na kasabay kong pumasok. Lahat sila ay may maayos na suot. Plantsado ang mga damit nila at high heels pa ang kanilang sapatos. Bigla akong nakaramdam ng panliliit. Kumpara sa suot ko na kulay putting panloob na galing pa sa ukay ay medyo masikip pa kaya nagiingat din ako sa pagkilos. Mabuti na lamang natatakpan ng suot kong long sleeve na blazer. “Good morning po, pinapunta po ako ni Mr. Villegas for the interview.” Tanong ko sa receptionist sabay silang napatingin sa akin at hinagod nila ako ng tingin kaya naiilang na inayos ko ang buhok ko. “Interview? Sigurado po kayong si Sir Villegas po ba ang nagpapunta sa inyo dito?” Nagtatakang tanong niya sa akin. “Ah, eh yes Ma’am siya ang nagpapunta sa akin dito.” Kinakabahan na sagot ko sa kanya. Mukhang uuwi akong bigo ngayon dahil parang nagdududa siya sa sinabi ko. “Okay, wait lang po tatawagan ko lang ang secretary niya.” Napasinghap ako dahil sa kaba. Mali atang derecho na agad ako kay Sir Villegas. Hindi kasi ako dumaan sa tamang proseso ng pag-aaply kung hindi dahil kay Tiya baka wala ako dito ngayon. Nag-aantay akong tawagin niya ako ulit ngunit napagawi ang tingin ko sa pumasok sa salamin na pintuan ang lalaking naka three piece suit na may dalang attaché case. “Makita ko lang si Sir buo na ang araw ko.” Napatingin ako sa receptionist na nagsalita. Kapwa sila nakatingin sa lalaking nakasuot ng eye glass na humahakbang papalapit sa amin. “Hi, sir Good morning!” Bati nila sa kanya. Literal na nalalaglag ang panty este! Ang aking panga nang tangalin niya ang kanyang eye glasses. “Good morning ladies. Keep up the good work.” Sagot niya sa dalawa na halata namang abot langit na ang ngiti dahil sa kilig. Dumaan siya sa harapan ko kaya nasamyo ko ang mabango niyang pabango. Pero nanatili akong nakanganga dahil ang lalaking sa billbord, tv, at internet sites ay ngayon nasa harapan ko na at mas malakas pa ang naging dating niya sa akin. Nilagpasan niya ako ngunit tumigil siya at muli akong binalikan. Natigil ang aking panaginip dahil nasa harapan ko na siya at nakatingin sa akin. “Sir, sabi niya po kayo daw nagpapunta sa kanya dito para sa interview.” Sabi ng receptionist na nakausap ko na ikinalingon niya. Bumaling ulit ang tingin niya sa akin. “Are you Samantha Briones?” Tanong niya na ikinatango ko. Hinagod niya ako ng tingin kaya napalunok ako at nahihiyang yumuko. Pakiramdam ko lalong sumikip ang suot kong blouse dahil hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. “G-Good morning S-Sir.” Halos pautal na sambit ko sa kanya. Yumuko ako at naiinis sa sarili. Hindi ko akalain na nakakawala pala siya sa sarili. Kaya pala maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa itsura at amoy pa lamang niya ay mahuhulog ka na. Pero hindi ito ang pinunta ko dito kundi trabaho! Gumising ka Sam! “Sumabay ka na sa akin may one hour pa naman ako bago ang meeting.” Napaangat ako ng tingin pero tumalikod na siya. Tinungo niya ang elevator pero ayaw humakbang ang mga paa ko. Inugat na ata ang paa ko dahil sa nararamdaman ko ngayon na kaba. “Bumukas ang elevator pero hindi parin siya pumasok. Napatingin siya sa gawi ko kaya nagulat ako. “Miss Briones, ano pang ginagawa mo bilisan mo na.” Parang robot akong humakbang papalapit sa kaniya. Kaagad na pumasok si Sir Bernard at ako naman ay sa likuran niya. Grabe! Nakatingala ako dahil sa tangkad pala niya sa personal. Bakit kasi hindi nalang ako nagsuot ng mas mataas na takong nagmukha tuloy akong five flat sa suot ko! “Napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa hawakan na stainless. Unang beses kong sumakay dito kaya naninibago ako. Napapikit ako dahil bigla akong nahilo sandali nang umangat na ang elevator. “Jusko!” Mahinang sambit ko. “Are you okay?” Napamulat ako at nag-angat ng tingin. Gwapo at nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin. “A-ah y-yes Sir first time kasi kaya nakakabano, hihi.” Nakangiting sambit ko. “Don’t worry sa una lang naman medyo nakakahilo masasanay ka din.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay umayos na ulit siya ng tayo. Inayos ko ang aking sarili dahil pinagpapawisan na ako. Inilibot ko ang aking tingin. Maliwanag dito sa loob ng elevator at kitang-kita din ang reflection namin sa dingding. Naalala kong takot nga pala ako sa masikip na lugar na gaya nito. Tinignan ko kung anong floor kami aakyat. Nanlaki ang mata ko nang makitang sa 25th floor pa titigil ang elevator. Nasa pang tatlo pa lamang ang nakita kong numero sa itaas na may katabing kulay pula na arrow. Napahawak ako sa aking kwelyo. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa aking dibdib. Hindi ako makahinga! Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Suminghap akong muli pero ganun pa rin. “Miss? What happen? Are you a claustrophobic?” Dahan-dahan akong tumango sa kanya. “I’m okay sir, kaya ko pa naman.” Nakangiting sabi ko kahit ang totoo ay gusto ng umikot ang paningin ko. “No you’re not okay. Look at me Sam…” Napatingin ako sa mata niya. Nakasandal na ako sa elevator at hawak ko pa rin ang kwelyo ko. “Inhale…” Suminghap siya at ginaya ko ang ginawa niya. “Exhale…” wika niya na sabay naming ginawa. “Don’t panic and relax, just breath. Okay… do it again…just look at me and relax.” Humugot ako ng malalim na paghinga hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. Nakahawak siya sa magkabila kong balikat. Hindi ko akalain na magagawa kong makalma ang sarili ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko nililipat ang aking tingin dahil baka manikip ulit ang aking dibdib. Iisipin ko na lamang na nasa malawak kaming kawalan at siya ang kaharap ko ngayon. Namalayan ko na lamang ang pagtigil ng elevator. “Okay, let’s go.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Bumungad sa akin ang kulay puting halway. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang hila-hila niya ako papasok sa malaking pintuan. “Sit down here first, I will get you water.” Inalalayan niya akong makaupo sa malaking sofa. Nag-init ang aking pisngi nang maalala ang sitwasyon namin kanina. “Are you okay? Gusto mo magpatawag ako sa clinic? You look pale and sweating.” Napatingin ako sa dalawa niyang isang bote ng tubig at box ng tissue. “Okay na po ako Sir, salamat po. At pasensya na rin kayo dahil naabala ko kayo.” Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa aking noo. Napakaganda ng kanyang opisina. Siguro yung nakita kong table sa labas ay para sa kanyang secretary. “Naiintindihan kita siguro naman lahat tayo ay may kinakatakutan sa buhay. Don’t worry hindi ito makaka apekto sa evaluation ko sa’yo. But if ever na pumasa ka sa qualifications. How can you handle yourself? Hindi naman pwedeng ang opisina ko ang mag-adjust sa’yo.” Napaisip ako sa sinabi niya. Kung makakapasa ako dito araw-araw ko ng gagawin ang sumakay sa elevator na yun kaya siguradong hindi din ito makakabuti. Inabot niya ang dala kong folder at inisa-isa ang papel na naroon dala ko na kasi ang lahat ng pwede nilang hingiin na requirements. “Mataas ang credentials mo Miss Briones. Pero hindi lang ito ang hinahanap ng kompanya ko. Marami akong characteristic at qualifications pagdating sa magiging sekretary ko.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinagod niya ako ng tingin. Tumigil ang kanyang mga mata sa aking dibdib kaya napayuko din ako. Pero laking gulat ko nang makitang kalas na pala ang isa kong butones sa itaas kaya medyo nakabuyang-yang na ang aking may kalusugan na dibdib. Kaagad kong inayos ang aking butones at nahihiyang muling tumingin sa kanya na ngayon ay nakasandal na sa sofa habang nakatingin sa akin. “If you want to work here bibigyan kita ng space sa rooftop. Doon kasi ako nakatira sa ngayon at masyadong malaki yun for me. Hagdan lang ang gagamitin mo pababa dito kaya no need to take elevator. Besides alam kong malayo pa ang pinangalingan mo kaya malaking advantage sa’yo kung doon ka na titira. Don’t worry hindi ako nangangagat. I will give you rules to follow. First, wag kang magsusuot ng malaswang damit sa opisina man o sa rooftop. Second, wag kang papasok sa kwarto ko and don’t touch my things. Stay in your room at share na lang tayo pagdating sa kitchen at leaving room dahil may kanya-kanya naman tayong bathroom. Third don’t stare at me and don’t seduce me. Mabilis akong maakit sa babaeng nagpapakita ng motibo. Fourth, if ever na may mangyari sa atin hindi ko yun pananagutan dahil hindi yun mangyayari kung hindi ka nagpakita ng motibo. Fifth, I want you to become hardworking for your job. Is that clear?” Mahabang paliwanag niya na ikinatigil ata ng pagproseso ng utak ko. Napalunok ako sa lahat ng sinabi niya. “Miss Briones? Are we clear?” Ulit niya. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. “Y-Yes S-Sir.” Sambit ko na ikinangiti niya. “Good! You can start tomorrow, for now ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa paglipat. Kompleto na ang gamit doon kaya wag ka ng magdala. Pwede ka ng umuwi.” “Thank you very much Sir.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Nangangatog pa ang tuhod ko na tumayo pero pinilit kong ikalma ang aking sarili. “Kaya mo bang bumaba mag-isa?” Tanong niya na ikinatigil ko. “Ah, kakayanin po.” Sambit ko. Pero ang totoo hindi ko alam maghahagdan na lang ako total pababa naman yun. “Sasamahan na lang kita.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD