Sam’s POV “Anak, nakausap mo na ba yung binata at gwapo nating kapitbahay?” Kunot ang noo na napatingin ako kay Inay. Naghahain na kasi siya ng almusal na sinangag at tuyo may bulanglang ding gulay. “Yung kakalipat lang kagabi? Nagising si Itay mo dahil nakarinig daw siya ng mga kaluskos kagabi. Lumabas siya at sabi niya ay marami daw ang nagtulong-tulong para mailagay diyan yung kubo. Nakita ko din yung binata kanina nang kumukuha ako ng malungay. Mukhang mabait kasi nginitian ako.” Kwento ni Inay sa akin. Saka ko palang naintindihan kung sino ang binatang tinutukoy niya. “Lola may kausap si Mama kanina sa labas gwapo din pero mas gwapo ako!” Sabat naman ni Calix. Natatawang ginulo ni Itay yung buhok niya na kakarating lamang. Nanguha daw ito ng kahoy sa bundok para pangatong namin.

