Inutusan ni Rigor na mamalengke si Lena dahil marami siyang inaasikaso tungkol sa bukid na kanya na ngang binebenta. Maraming demand ang gustong bumili at nagmamadali itong maibigay din lahat ni Rigor sa kanya dahil nagbakasyon lang ang taong bumibili sa bansa at hindi magtatagal ay babalik na muli sa ibang bansa para sa trabaho. “Parang hindi pamilyara ang mukha mo, neng? Tagarito ka ba o isa ka lang dayo?” tanong ng matandang tindera kay Lena ng iabot ang binili niyang mga gulay. “Tagarito po ako. Ang kaso lang ay madalang lang po talaga akong magpunta ng palengke.” Sagot ni Lena na wala namang balak na makipagkwentuhan sa kahit na sino man. Sinagot niya lang ang tanong ng matanda para sa susunod na bumili siya ay hindi na ito magtanong pa. “Ay! Ganun ba? Konti lang naman kasi ang mga

