“Huwag na huwag mo ng papasukin ang hudas na lalaking iyon dito sa bakuran ko dahil baka mapatay ko na lang talaga!” ang galit na galit na bilin ni Rigor kay Lena ng ginagamot ng babae ang kanyang namamagang kaliwang pisngi dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kanya ni Melchor. “Ang kapal ng mukha! Siya nga itong natulungan ko noong panahon na nangangailangan siya ng pera ay ako pa itong naging masama.” Patuloy na himutok ni Rigor na masamang-masama talaga ang loob. Kung wala nga lang ibang tao na makakasaksi sa pagbaril niya kay Melchor ay ginawa niya na at pinalabas niya na lang sana na nagtangka itong pagnakawan siya dahil iyon nman ang magiging matibay na alibi niya kung sakali. Sa loob-loob ni Lena ay hindi kailangan tumanaw ng utang na loob ni Melchor o ng kahit na sinong nangutang

