“Nakarinig po ako ng malakas na kalabog habang patulog na po sana ako. Ang akala ko nga po ay pusa lang pero pagsilip ko po sa pinto ng kwarto ko ay narinig ko si Kuya Rigor na sumigaw habang may kasama pang ibang tao sa sala,” salaysay ni Lena sa pulis na nagtatanong sa kanya kung anong nangyari kay Rigor. Nakahingi ng tulong si Lena sa mga rumorondang barangay tanod ng gabing iyon kaya may nadalanng ospital si Rigor. Tinanong siya kung anong nangyari at bakit halos wala ng buhay ang kanyang amo at ang sinabi nga ang totoo na may nanloob sa kanilang bahay. “Nakilala mo ba ang taong nanloob sa bahay ng amo mo?” ani pa ng pulis na nagtatanong. Umiling si Lena. “Hindi po dahil sa may takip po ng makapal na bonet ang kanyang mukha. Mata lang po ang nakasilip sa nakatakip sa kanyang mukha

