“Hoy! Ikaw! Bakit nakaupo ka na diyan at tatanga-tanga na para bang wala ng dapat gawin? Marami pang dapat buhatin na mga banyera ng isda kaya tumayo ka diyan at kumilos! Kay laki mong tao ay ikaw pa ang nangunguna na nakaupo!” sigaw ng lalaking may malaking diyan. May suot na belt bag, may hawak na notebook at ballpen na listahan ng mga banye-banyera ng mga isda na kanyang binebenta sa panatalan na dagsa ng mga mamimili na karamihan ay mga tindera sa palengke. “Boss, iinom lang ako ng tubig. At saka, ako lang kaya ang nagbubuhat ng mga banyera mula kanina,” katwiran ng lalaking napagalitan dahil kauupo lang naman niya at tangka pa lang na bubuksan ang lagayan niya ng tubig ng makita at sitahin siya ng lalaking tinawag niyang boss. “Aba! Nangangatwiran ka pa?! Ginagawa mo pa akong sinu

