Matapos ngang dalhin ni Rigor sina Ikay at Geng sa isa niya pang lupa at bahay na pag-aari ay sina Maricel at Lena na ang kanyang binalikan. “Gising na pala kayo? Tamang-tama at dadalhin ko na nga kayo sa kung saan ako naninirahan. At may nauna na nga pala sa inyo. Naroon na ang dalawa niyong kaibigan at hinihintay na kayo. Kaya naman tara na,” sabi pa ni Rigor na unang nilapitan si Maricel na umiiyak habang hindi makatihaya dahil nga nakatali ang mga kamay sa likod niya at ang mga binti at paa ay hindi maikilos. Naglakad si Rigor sa isang sulok ng kusina kung saan naroon naman si Lena na ganon din ang sitwasyon. Nakatali ang mga kamay sa bandang likod ganon din ang mga binti at paa at may busal ang bibig para hindi makapagsalita at makalikha ng ingay. “Hindi ko kayo pwedeng pagsabayi

