“Lena, kanina pa naghihintay sayo si Kokoy sa labas, ha? Bakit hindi mo muna puntahan para kausapin.” ang sabi ni Maricel kay Lena na abala sa kusina habang si Kokoy ay nasa labas ng karinderya. Humupa na ang bagyo. Ang literal na bagyo na may dalang malakas na hangin at maraming tubig ulan kasabay ng paglipas ng bagyo na dulot ni Rigor. Kinuha pa rin ng mga kamag-anak ni Rigor ang kanyang bangkay at maayos na inilibing sa libingan kasama ng mga magulang nito. Ngunit gaya rin ng mapangwasak na bagyo ay marami rin na iniwan na bakas ng pinsala sa buhay ng karamihan ang mga nagawang kasamaan ni Rigor. Sa buhay ng pamilya ng mga namayapang sina Josa at Glorya. Sa buhay ng mga kamag anakan ni Marie. Sa buhay ni Ikay, Maricel at Geng. At sa buhay nina Lena at Kokoy na ginulo ni Rigor
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


