“Pakidagdagan po ng konting sabaw,” anang matandang lalaki kay Rigor. Nasa karinderya siya ni Marie at tumutulong na sa pagtitinda. Talaga pa lang patok na patok ang mga tinda at sarili nitong luto dahil bukod sa mga kumakain sa karinderya ay marami pa itong pa order online. “Wala ng libre ngayon kaya dagdagan mo ang bayad mo kung gusto mong magpadagdag ng sabaw,” ang sagot ni Rigor sa matandang lalaki na hawak pa ang mangkok na lalagyan ng kanyang ulam. “Nasaan ba si Marie? Sa kanya na lang ako manghihingi at saka siya naman ang may-ari ng karinderyang to, hindi ba? Sa tagal ko ng kumakain at nanghihingi ng dagdag sabaw ay ngayon lang yata ako napahiya at tinanggihan. Kaya nasaan ba si Marie para sa kanya ako manghihing?” paghahanap.pa ng matandang lalaki kay Marie. “Wala si Marie

