Pinakita sa akin ni Ms. Yildiz lahat ng disenyo niya, lahat ay magaganda, walang tapon ni isa. Sinubukan kong magtanong kung magkano ang presyo ng isang gown pero sabi niya ay hindi raw niya pwedeng sabihin dahil utos sakanya ni Tres. Hindi ko na pinilit pang tanungin dahil sumusunod lang naman siya sa utos. Tsaka kahit hindi na ako magtanong ay sigurado akong mahal din ang mga 'yon. "So, may napili ka na bang design? I will tell if it suits you or not, just choose one!" Hinawakan ko ang kaniyang brochure at binuklat buklat, hinanap ko ang gown na nakakuha ng atensyon ko kanina lang. Sa sobrang daming pages nitong brochure ay nahirapan pa ako sa paghahanap. Ingat na ingat din kase ako sa pagbuklat para hindi ito makusot at baka masira ko pa. "Ito nalang siguro," turo ko sa pina

