"ANG PAGTATAGPO"
ANG NAKARAAN,
Gumawa ng isang grupo si Davilinda. At misyon nila na pagbagsakin si Argelie.
Samantala magkakatagpo na kaya Sina Mia at Marlyn?
ANG KARUGTUNG,
Sa Opisina ni Argelie...
"Now Girls, hawak na ninyo ang mga folders kung saan nakalagay dyan ang lahat ng impormasyon tungkol kina Davilinda, Mia at Marife. Kahit maliit na detalye. Nakasulat na dyan sa folder na hawak nyo." Sabi ni Argelie sa tatlong babae. At nagtaas ng kamay ang babae na nagpapanggap bilang Mia.
"Kelangan ko ba talagang maging mahinhin mag salita?" Tanong nya.
"Oo, at wag kayong mag-aalala! Nasa mga bank account nyo na ang paunang bayad." Sabi ni Argelie.
Habang ang totoong Mia naman ay kinakabahan.
"What if hindi pala si Ate yun? Pero hindi ako maaring magkamali. Si ate talaga yun!" Sabi ni Mia sakanyang isipan. Nagbalik nalang sya sa kanyang uliran ng tawagin sya ni Aling Coring sakanyang ngalan.
"Mia Ayus ka lang ba? Narito na tayo!" Sabi ni Aling Coring.
"Opo, naeexcite lang po ako Aling coring!" Sagot ni Mia.
"Sige, dyan ka lang muna. Lalapitan ko muna sila." Sabi ni Aling coring sabay turo sa mga madreng nakaupo sa ilalim ng puno.
Samantala sa Opisina ni Davilinda.
"Davi anong plano mo?" Tanong ni Marichu.
"Kelangan ko munang kunin ang loob ni Argelie. At kelangan ko ang tulong mo Madame Sara." Sabi ni Davilinda.
Flashback :
Si Madame Sarah ay isa sa mga taong gusto magpabagsak kay Argelie.
"Miss Davi, I want you to meet. Madame Sarah. She's one of our sister company. But..." Panimulang Sabi ni Marichu sakanya. Nang magsalita ang ginang.
"Yuan Enterprises and emerald company are the best partners noon. Noong si Binibining Marlyn at Senior Ignacio pa ang namamahala sa company. Pero simula nang nawala ang mga anak ni Senior Ignacio at si Madame Argelie na ang nagpapalakad. Naging impyerno na ang lahat. Ninakaw ni Argelie ang funds namin. At nang mahuli sya ng aking kapatid ay wala nilang awang pinatay ang aking kapatid." Sabi ni Madame Sarah.
Back to Present.
"Sure Davi, ano ang maitutulong ko?" Tanong ni Madam Sarah.
"Ganito ang gagawin natin!" Sabi ni Davilinda at sinabi nya sa ginang ang kanilang gagawin.
Balik sa Kumbento...
Nagmamadaling lumabas si Sister Salome nang makita nya si Aling Coring.
"Coring napadalaw ka?" Sabi ni Sister Salome sabay yakap sa ginang.
"Kamusta kana Salome?" Tanong ng ginang sakanya.
"Ayus lang naman. Teka kasama mo ba si Ruel? Nasaan sya?" Tanong ni Sister Salome.
"Hindi, teka may kasama ako!" Sabi ni Aling Coring.
At agad namang nilingon ni Sister Salome si Mia.
"Sino sya?" Tanong ni Sister Salome.
"Sya nga pala si Mia. Hinahanap namin..." Sabi ni Aling Coring naputol lang ng biglang magsalita si Mia.
"Ako si Mia Emerald, hinahanap ko si Marlyn Emerald. Nakita ko kasi si Ate kanina kasama mo." Sabi ni Mia.
"Ikaw ang kapatid ni Marlyn?" Gulat na Sabi ni Sister Salome.
Habang si Marife naman..
"What if bumalik tayo ng Emerald Castle. Tingnan natin kung Sino yun?" Sabi ng babaeng kausap nya sa harap ng salamin.
"Sofia? Papano kung mahuli tayo ni Tita." Sabi ni Marife.
"Ako ang bahala! Ano pa ang silbi ng kakayahan ko kung hindi ko gagamitin!" Sabi ni Sofia.
Balik sa Emerald Company... Sa Roof top kung saan may Bar at Swimming pool.
Nagkabanggaan Sina Madame Sarah at Davilinda
At kitang-kita iyon ni Argelie mula sakanyang kinauupuan.
Flashback:
"Gagamitin natin ang pagkamuhi ni Argelie sayo madame." Ngiting sabi ni Davilinda.
"I like that plan Davi.. Dati akong Theater Actress kaya. Laban lang!" Sabi ni Madame Sarah.
Back to present :
"Excuse me? Bulag kaba?" Sabi ni Madame Sarah.
"Excuse me ka din? And who are the hell are you?" Tanong ni Davilinda sabay taas ng kilay.
"Ako lang naman si Madame Sarah Yuan ng Yuan Enterprises. And who are you?" Tanong ni Madame Sarah.
"Oh? Yuan Enterprises. Pero I've heard palugi na daw kayo? Kaya sumisiksik kayo dito sa Emerald. How poor!" Sabi ni Davilinda.
"How dare you!" Sigaw ni Madame Sarah sabay lipad ng kanyang palad papunta sa kanang pisngi ni Davilinda ng bigla itong sanggain ni Davilinda.
At mula sa kinauupuan ni Argelie. Malaki ang kanyang ngiti nang makita nyang nagkasagutan Sina Davilinda at Madam Sarah.
"Oh! Nakahanap ka din ng katapat mo Sarah! Haha!" Tawang Sabi ni Argelie nang makita nyang sinampal ni Davilinda si Madame Sarah.
"Sasusunod Aling Sarah. Pumili ka nang kakalabanin mo!" Sabi ni Davilinda Kay Sarah.
"Hindi pa ito ang huli!" Sigaw ni Madame Sarah at nagsilingunan ang mga tao dahil sa kanyang sigaw.
Nang makaalis si Madame Sarah ay agad tumayo si Argelie sakanyang kinauupuan. At nagmamadali itong puntahan si Davi.
"I see it. Very impressive Davi." Ngiting sabi ni Argelie.
"Thanks!" Maikling sagot ni Davilinda.
"Alam mo Davi. Nakikita ko ang sarili ko sayo noong kabataan ko. We have the same attitude. Palaban!" Sabi ni Argelie.
"Kung ganun? Totoo yata ang kasabihan na Birds with the same feather. Flocks together." Ngiting sabi ni Davilinda.
"You're right!" Sambit ni Argelie.
Balik naman kay Marife...
"Narito na tayo Marife." Sabi ng boses sa isipan ni Marife.
"Ngayon malalaman na natin kung sino ang taong nandoon sa underground. Pero mag iingat pa din tayo." Sabi ni marife.
At dahan dahan silang naglakad pababa papunta sa madilim na bahagi.
Habang sina Mia at Aling Coring naman. Ay agad sinamahan ni Sister Salome ang dalawa sa Silid ni Marlyn.
"Narito na tayo.." Sabi ni Sister Salome sabay katok sa pintuan ng kwarto.
"Marlyn nandyan kaba?" Tawag ni sister Salome hanggang sa nagbukas ang pintuan at iniluwa ng pintuan si Marlyn.
Nang makita ni Mia si Marlyn ay agad bumilis ang pintig ng kanyang puso.
"A-ate?" Nauutal na sabi ni Mia nang masilayan niya ang mukha ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Sister Salome? Sino sila?" Tanong ni Marlyn.
Balik ulit Kay Marife sa Emerald Castle.
Nagtago sya sa may umpok ng mga sirang upuan at naanigan nya ang mukha ng babaeng nakaupo sa gitna habang may blind fold.
"Parang kilala ko sya Marife!" Sabi ni Sofia.
"Pamilyar nga sya saakin Sofia." Sagot nya.
"Gusto mo lapitan natin?" Tanong ni Sofia sakanya.
"Papano kung makita tayo ng mga nagbabantay?" Alalang Sabi ni Marife.
"Hindi yan, Wala akong nararamdamang ibang tao dito sa silid. Sya lang mag isa." Sabi ni Sofia.
"Sige!" Sambit nya at dahan-dahan Syang lumapit sa babaeng nakaupo sa isang silya na nakagapos ang mga kamay at paa.
"Atty Almie?" Gulat na Sabi ni Marife. Nang makita nya ng malinaw Ang mukha ng babae.
Itutuloy.....