EPISODE 05

699 Words
"DONDE ESTA MARLYN?" NAKARAAN : Nanganganib ang buhay ni Atty Almie sa kamay ni Jeanrio. Habang sina Argelie naman ay may masamang binabalak sa kanyang pamangkin na si Marlyn. ANG KARUGTUNG : Habang nasa sasakyan Sina Argelie at Marlyn.. "Tita mukhang hindi ito ang daan papuntang Emerald Castle? Or is this shortcut?" Tanong ni Marlyn. "Well I have something to tell you." Sabi ni Argelie at inihinto nya ang sasakyan. "Ano yun tita?" Tanong ni Marlyn. "Kelangan mo nang mawala sa mundong ito!" Sabi ni Argelie sabay tutok ng b***l na may silencer. "Why are you doing this?" Nauutal na tanong ni Marlyn. "Well, I need a reward. Ako nagpakahirap sa company tapos kayo lang ang makikinabang? This is not fair!" Galit na Sabi ni Argelie. "If you want we can give you our shares and profit. Just don't this to me tita!" Sabi ni Marlyn. "Okay hindi naman ako ganoon ka sama. Open the door and run for you life." Natatawang sabi ni Argelie na agad namang binuksan ni Marlyn ang pinto ng kotse sabay takbo. "Magtago kang mabuti.." Malakas na sigaw ni Argelie habang nakita nyang papunta si Marlyn sa kagubatan. Habang si Davilinda naman ay nagulat sa bisitang nag-aantay sa kanya. "Miss Davilinda may naghahanap po sainyo." Sabi ni Ruel. "Sino daw?" Tanong nya. "Edward daw" sagot ni Ruel. "Anong ginagawa nya dito?" Bulong ni Davilinda. "Bakit ate Sino ba Yun?" Tanong ni Marife. "No kasama lang namin ni Marlyn sa Office. Maiwan na muna Kita dyan fe. Antayin mo nalang si Mia I'm sure masasagutan nya yang assignment mo." Sabi ni Davilinda at nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Paalis na sana si Ruel nang pigilan sya ni Marife. "Ah ruel? Can I ask something?" Panimula ni Marife. "Yes young master ano Yun?" Tanong ni Ruel. "Diba matagal kanang naninilbihan as butler ni papa? " Sambit ni Marife. "Opo tama ka." Sabi ni Ruel. " Mag kwento ka tungkol Kay papa. Please.." ngiting Sabi ni Marife. "Sige, ganito kasi yun!" At nagsimula nang magkwento si Ruel sa kanyang batang amo. Balikan Naman natin si Atty Almie. Sinundan sya ni Jeanrio sa ground floor ngunit huli na, dahil nakaalis na ang kotse ni Atty. "Bwesit! Malilintikan ako nito." Galit na sabi ni Jeanrio. "Aaaahhhhhh!!!! Nakakainis!" Dagdag pa nya. Si Mia naman ay napadpad sa silid aklatan ng kanyang yumaong ama at dito may nakita syang isang journal. "Ignacio Velasco Emerald? Kay tatay ata ang diary nato. Ang sagwa diary talaga? Let's call this journal." Sabi ni Mia habang pinagmamasdan ang kanyang hawak na libro.  Dahan dahan niya itong binuklat at binasa ang mga nakasulat. "Pebrero 24 1999 Namimiss ko na ang aking mga anak. Ngunit Wala akong magagawa dahil nahihiya ako sakanila. Pero bukas magbabago na ang aking buhay dahil sa...." Natigilan si Mia sa kanyang pagbabasa ng biglang mahulong ang isang libro sa kanyang harapan. " Ancient artifacts and weapons." Basa ni Mia nang mahulog Ito sakanyang harapan at dahan dahan naman niyang inilapag ang kanyang hawak na journal. "May bookmark? Nagbabasa ba si Tatay nito?" Tanong nya sakanyang sarili. At binuklat nya ang libro kung saan nakalagay ang isang piraso ng papel.  At tumambad sakanya ang larawan.. "Spear of wishes? Talaga lang ha? Meron ba talagang ganito?" At binasa nya ang mga nakasulat sa pahina. Habang si Marlyn ay inabutan ni Argelie sa isang bangin. At agad namang itinutok ni Argelie ang hawak nyang b***l sa pamangkin. "Na corner na kita pamangkin. Wala kanang matatakbuhan!" "Tita wag mo tong gagawin please... Maawa ka sakin. Kelangan pako Nina Davilinda. Baka pwde naman natin tung pag-usapan." Umiiyak na Sabi ni Marlyn. "Nakikipag negosasyon kaba Marlyn. Hindi ko itinuturo yan sayo!" Sabi ni Argelie at walang dalawang isip nyang binaril ang pamangkin at tinamaan Ito sa braso.  Hindi pa Ito na kontento ay pinutukan nya ulit at sa pagkakataong Ito ay tumama sa kaliwang balikat na naging dahilan upang matumba si Marlyn at gumulong gulong ito paibaba. "Hindi man lang ako nahirapan!" Sabi ni Argelie. At kitang kita nya na gumulong-gulong paibaba ng bangin si Marlyn. "Paalam pamangkin. Ikumusta mo na ako kay Ignacio.." Sabi niya at agad syang bumalik sa kanyang kotse. Sina Davilinda at Edward naman... "Why are you doing here?" Tanong ni Davilinda sa binata. "Oh hi? Good evening." Sabay tayo nya nang makita nya si Davilinda papalapit sakanya. "Bakit ka nandito?" Tanong ulit ni Davilinda sakanya. "Okay, my father is asking if we could have a project together?" Sabi ni Edward. "Project together? What do you mean?" Tanong nya sa binata. "Well you aunt already agreed with this. And she said it will be best if tayong dalawa ang magsasama sa project na ito." Sabi ni Edward. "Anong project?" Tanong ni Davilinda. At agad namang pinaliwanag ni Edward ang proyekto na sinasabi nya. Balik naman kay Mia sa silid aklatan. "Wait familiar ang spear nato." Sabi ni Mia at bigla nyang naalala kung saan nya nakita ang tungkod. "Sa kwarto ni papa. Tama!" Sabi nya at agad syang lumabas ng silid aklatan dala ang journal ni Ignacio at ang libro. Habang si Ruel naman ay patuloy pa din sa pag kwento tungkol kay ignacio hanggang sa.. "Young master may sasabihin akong lihim sainyo." Sabi ni Ruel. "Ano yun?" Sabi ni Marife habang nakatitig kay Ruel. "Tungkol ito sa isang halimaw at kahilingan.." sagot ni Ruel. Kinabukasan sa isang masukal na gubat..  May dalawang madre ang naglalakad dala dala ang kani-kanilang basket na puno ng prutas. "Sister Agnes, sandali parang may nakikita ako!" Sabi ng isang madre. "Nako Sister Salome. Kelangan na nating magbalik Hindi ko na kabisado ang daang yan." Sabi ni Sister Agnes sakanya. "Sandali.. parang tao yun!" Sabi ni Sister Salome sabay turo sa may malaking puno. "Oo nga halika puntahan natin." Sabi ni Sister Agnes. At dali-dali nila itong pinuntahan. Nang marating nila ay agad nila itong tiningnan kung buhay paba ang babae. "May pulso pa sya. Kawawa naman ang babaeng to. Halika dalhin natin sya sa monasteryo." Sabi ni Sister Salome. "Sige halika buhatin natin sya." Sabi naman ni Sister Agnes. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD