Chapter 3

1456 Words
Sakay ng motor ni Sevan, labis ang saya ni Valerie habang nakayakap ng mahigpit rito sa biyahe nila papunta ng school. Di pa rin niya lubos maisip na maganda ang naging bunga ng kaniyang pagsugal. Pagdating sa school, natatawa si Valerie na sa pagkakataong ito ay di na sila naghahabulan ni Sevan, sabay silang maglakad at tahimik lang sila. Nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata nilang parang ang isa’-t-isa lang ang nakikita. “Mr. Trevilla, Ms, Kli. may bago sa inyo,” bati ni Mrs. Mendoza nang makasalubong sa corridor papuntang Dean’s Office. “Di kayo nagkukulitan.” “Mam, pagod lang ho,” banat ni Sevan. Agad nag-init ang tenga at namula ang pisngi ni Valerie sa sinabi ni Sevan. “Nakahinga lang ho after five years,” nakangiting sabi ni Valerie. “After board exams, apply kayong dalawa rito. Wag na kayo sa field, dito na kayo.” “Ay sige, tingnan po namin,” sagot ni Valerie. “Siye sige,” paalam ni Mrs. Mendoza. “See you sa graduation.” Kaso di pa man nakakapasok sa kanilang room nang mahigit na si Sevan ng mga kabarkada. Ganon din naman si Valerie nang dumating na ang kaisa-isang kaibigan na si Quin. Naging abala sina Valerie maghapon sa pag-aasikaso ng pagpapa-hard bind ng thesis book. Pagpatak ng alas-tres, habang kumakain sa canteen at nakikinig sa walang hanggan na kwentong pag-ibig ng matalik na kaibigan ay nakareceive ng text si Valerie. [I miss you. Mag-isa ako sa rooftop. – SEVAN] Agad na tumayo si Valerie at nagpaalam kay Quin. “Puntahan mo na si Robert. Magbati na kayo, mahal mo, wag ka ng magdrama.” Sabi ni Valerie at madaling tumakbo sa rooftop. Dahil isa sa mga iilan lang na top students’ ng civil engineering, madalas solo talaga ni Sevan ang experiment room. Pagbukas ng pinto ay agad na hinigit ni Sevan si Valerie papasok. At doon na nagsimula ang mga nakaw na sandali ng dalawa. Kung saan pwede, sasaglit sila. Minsan sa vacant rooms, sa cr ng iba’t-ibang departments. Nakasalisi pa sila sa garments, sa fitting room. Sa library. “Ha! Val! I can’t get enough of you. Nababaliw ako sayo. Sa amoy mo. Sa ingay mo. Sa bawat bahagi mo. Sa lasa ng pawis, laway...at ang masarap na sabaw na kahit ata three times a day kong higupin, di ako magsasawa,” daldal ni Sevan pagtapos nilang magjugjugan sa kanilang kubo. Nagpaalam si Valerie sa ina na matatagalan sa school dahil sa mga inaayos for graduation buti na lang at pag tungkol sa school, walang tanong-tanong ang kaniyang ina. Maling magsinungaling, pero di mapigilan ni Valerie ang sarili pagdating kay Sevan. Ang tagal niyang namuhay sa patakaran ng ina at ngayon lang siya sumusuway. Marahang humarap patagilid si Valerie kay Sevan, ipinatong ang kaniyang ulo sa braso, at hinaplos ang mukha nito. “Salamat, Sev. Andito ka pa rin.” “Isa pa?” hirit ni Sevan, lubog na lubog ang dimple. “Grabe ka. Sige,” Nagtawanan sila, ang saya sa mga halakhak nila ay tila nakikiayon sa simpleng ilaw na dulot ng kanilang lampara na nakasabit sa isang poste ng kubo at ang masarap na samyo ng hangin habang napakaganda ng sikat ng buwan. Mahigit dalawang buwan rin silang nagiging mapusok, wala ng pakialam sa ibang mga bagay na maaaring maging kapalit ng mga kalokohan nila dahil gagraduate naman na sila sa sunod na buwan. “Hoy Valiii! Ano, ilang oras ka pa diyan sa banyo? Kanina pa naghihintay si Dean sainyo ni Sevan,” inip na inip na sabi ni Quin sa labas ng cubicle habang abala sa pagmimake-up. “Ang sakit ng tiyan ko eh,” reklamo ni Valerie, pawisan na sa loob ng banyo. “Sira na naman tiyan mo?” “Hindi naman. Wala naman akong nakain na pwedeng sumira sa tiyan ko.” “Ay te baka rereglahin ka. May baon ako,” Nanlamig si Valerie nang saglit na mapagtanto na isang buwan na siyang di dinadatnan. Namumutla siyang tumayo at lumabas sa banyo na tulala. “Hala Vali, ang putla mo!” aligagang sigaw ni Quin nang makita ang kaniyang repleksiyon sa salamin. “Paggaling sa dean, uwi na muna ako. Sa lunes na ako kukuha nang corre.” Lutang na sabi ni Valerie at naglakad na papunta sa dean’s office. Parang napakabagal ng lahat sa paligid niya, tila ba tumitibok na ang dibdib niya sa ulo. “Hindi pwede to.” Naiiyak na bulong niya sa sarili nang tumigil sa tapat ng dean’s office. “Tuloy na Ms. Kli,”nakangiting sabi ng faculty na nagbukas ng pinto. Tumango lang si Valerie at pumasok. Sa loob, mwinestrahan siya ng dean na maupo sa upuan katapat ni Sevan. “Ok, di na ako magpapaligoy-ligoy ha,” panimula ng dean. “May dumating na offer samin for top students na gagraduate na. Sampo kayong nangunguna sa civil engineering pero kayo ang pinamimilian dahil sa napaka complex na thesis na ginawa niyo. But, isa lang ang makukuha. So, naisip namin, magpatest na lang at kung sino ang makakakuha ng pinakamataas eh siya ang mabibigyan ng opportunity. Fair naman di ba?” “Kailan ho ang test? Papadala na rin po ba agad? O magbo-board po muna?” usisa ni Sevan. “Ahm, one week before the graduation pa naman. Inagahan lang naman namin ng sabi para makapagreview pa kayo. This is once in a lifetime opportunity. Kung sino man ang makuha sa inyo, mag-eexam kayo na bigay ng company then automatic licensed na kayo bago lumipad sa US.” Sabay na nanlaki ang mga nina Sevan at Valerie sa napakagandang opportunity. “Ang kagandahan kasi, once na yong isa is settled na sa US, pwede nang kunin yong isa, diba?” dagdag pa ng dean. “Though magkaibigan kayo, inisip pa rin namin ng fair na laban. Yon lang, see you?” Tumayo ang dean at kinamayan sina Valerie at Sevan. Pagkatapos na kumamay ay sabay ng lumabas sina Sevan at Valerie. “Holy sht! Nakaka-excite naman yon, Val!” masayang-masaya na sabi ni Sevan. “Alam mo bang pangarap nina Mama na makarating ng ibang bansa? Wag mo naman gagalingan.” Matamlay lang ang ngiting binigay ni Valerie. “Uwi na muna ako.” “Teka, bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba?” tanong ni Sevan kay Valerie. “Ok lang. Ano, usap tayo sa bahay,” Ngumisi ng nakakaloko si Sevan. Kumagat-labi pa. “Tara. Wala ba sina Tita?” “Oo. Isang linggo sila sa seminar.” Parang nanalo sa lotto ang saya ni Sevan nang marinig ang sabi ni Valerie. “Yes!” Pagdating sa bahay ay kasing bilis pa sa segundo ang pagbuhat sa kaniya ni Sevan at itinakbo sa kwarto niya. “Sev, wag kaya muna,” mahinahong sabi ni Valerie nang simulan na agad siyang halikan nito sa leeg paghiga sa kama. Tumigil si Sevan at tumingin ng malungkot kay Valerie, “Ayaw mo na sakin?” “Sev hindi.” Bumangon paupo si Valerie at tumingin ng matiim kay Sevan. “May bago na?” “Sev! Ano...B—Buntis ata ako,” bahagya nang masabi ni Valerie dahil halos kainin na ang salita at bumigay na ang luha. “Sorry. You can leave me now.” “Ano?” “Alam ko naman ang mga pangarap mo, at wala ito sa plano. Pwede ka na umalis. Sa dami kong alam na formula, di ko manlang inaral ang safe s*x,” Nagulat si Valerie nang yakapin siya ni Sevan, “What the fck are you saying? Anong iiwan? Ako ang may gawa niyan kung bakit magkakababy sa loob mo.” Tumigil sa pag-iyak si Valerie at tinitigan si Sevan, “Hindi ka galit?” “Disappointed, oo. Ang tanga ko, di ako nag-ingat. Promise, wala kang kasalanan, kargo ko lahat to.” “Sev,” “Magpapaheck-up tayo. Tapos kung di tayo tanggapin ng mga pamilya natin, gagawa tayo ng paraan. Gagraduate na tayo next month. Kung pwede, ganito. Ako na muna ang pupunta sa US. Dito ka na muna o kina Mama habang nagbubuntis at manganak. Kukunin ko rin agad kayo, mabilis lang naman ang makaipon sa kabila,” alo ni Sevan kay Valerie. “SEV!” masayang sigaw ni Valerie at sumunggab ng yakap rito. “Akala ko aayaw ka.” “Sa baby na pwedeng kamukha mo o junior ko? Malabo. Hindi naman na pati tayo bata. 23 ako 22 ka na. Yong iba nga mas bata pa satin,” “Sira.” “So, pwede na?” “Gago. Pacheck-up na tayo, abot pa naman. May pera ka?” usisa ni Valerie. “Oo meron. Sige, para mapanatag ka,”sang-ayon ni Sevan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD