“VALII!!!!” malakas na sigaw ni Quin mula sa first-floor ng bahay. Nanlaki ang mga mata ni Valerie at agad na hinigit ang buhok ni Phillip saka kinaladkad papasok ng banyo. “Dito ka lang! Mag-uusap tayo!” Ngumiti na lang naman si Phillip saka mabilis na hinapit ang baywang ni Valerie at hinalikan. “I missed you.” Bulong ni Phillip pagbitaw sa halik. “Fck you!” galit na duro ni Valerie saka sinampal si Phillip. “You don’t say that.” “I’m sorry, Valerie,” bulong nito habang pinupunas ang pisngi na nasampal. Sinara ni Valerie ang pinto ng banyo at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan papunta sa first-floor ng bahay, “Anong problema mo? Agang-aga!” pagalit na tanong ni Valerie, pilit na tinatago ang tensiyon na nararamdaman. Bukod ron ay di niya alam kung paano kokomprontahin ito tungkol

