Chapter 22

2045 Words

Nagising si Valerie sa tunog ng lutuan mula sa kusina. Mabilis siyang bumangon at tumakbo pababa para tingnan kung anong nangyayari. Alas-tres na ng umaga sa orasan nang masagintawan niya habang pababa ng hagdan. Nadatnan niya si Phillip na nagluluto. “Good morning,” bati nito kahit nakatalikod. May kung anong saya ang naramdaman si Valerie dahil sa pagkakataong ito ay di umalis si Phillip, naabutan niya. Natutuwa siya na hindi siya iniwan nito sa kabila nang mga nangyari kahapon. Pero kahit ganon, di mawala ang inis niya sa katotohanang anak ito ni Mr. Leyron. Sumeryoso si Valerie at pilit na pinawi ang mumunting mga ngiti na gumuguhit sa kaniyang mga labi saka nagsalita, “Bakit nandito ka pa? Di ba dapat nakaalis ka na? Sa isang taon naman?” sarkastikong sabi ni Valerie kay Phillip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD