Nag hahanda na kami papunta sa bundok kasama ulet si kuya Ryan.
"hayy nakakapagod naman ang daming bato!" pag rereklamo ko.
"Wala pa nga tayo sa b****a ng bundok nag rereklamo kana!" si levy. Nilingon ko sya para sana yawyawan dahil nakakainis na sya, pero sa kasamaang paalad nadulas ako at unang bunagsak ang pwetan ko.
"ahhhhh ang sakit ng pwetan ko huhu" bakit ba kasi maraming bato dito at madulas.
May mga bato kasi at parang tunnel kaming papasukan bago makaakyat sa mismong bundok, nasa semento na ako ng parang tunnel at humakbang ako paatras pero medyo malalim yung natapakan ko at nadulas ako sa bato.
Pero ang akala ko mag papaka gentleman sya yun naman pala hindi, Tinignan nya muna ako bago tumawa at tulungan ako.
"bitiwan mo nga ako, dahil sayo nadulas ako punyeta ka!" sabi ko sabay hawi ng kamay nya at tumayo ako ng mag isa kahit medyo masakit ang pwetan ko.
"ma'am okay ka lang? pwede naman nating ipag pa liban muna ang pag akyat baka mapaano yang pwetan nyo ma'am medyo napalakas pa naman ang pag bagsak nyo " sabi ni kuya Ryan na mukhang nag aalala hindi katulad nito ungas na to pakitang tao lang pala yung kahapon.
"okay lang manong medyo masakit pero kaya naman" sabi ko at nag patuloy mag lakad ng pa ika ika.
Hindi ko na sya pinansin pa dahil sinundan at pinakinggan ko na lamang si kuya Ryan habang umakyat kami. Medyo nakaka aliw dahil madaldal si kuya Ryan at marami syang kwento tungkol sa bundok.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag akyat ng bundok ng naramdaman kong wala si levy sa likod ko.
Tinignan ko ang ko ang aking likoran pero wala nga sya, kaya tinawag ko si kuya Ryan para tumigil muna kami at hanapin sya.
"kuya Ryan wait lang po, mukhang hindi po nakasunod saatin si levy wala po sya sa likod ko ngayon ko lang din napansin" medyo natatakot na kasi ako baka kung napano na yun at baka hanapin saakin ni janwaine si levy hindi ko alam ang isasagot ko kung nag kataon.
"sige po ma'am balikan po natin baka nasa malapit lang po yun" sinang ayunan ko si kuya dahil tama naman sya.
Bumalik kami sa pag baba at habang tumatagal na nag lalakad at hindi pa namin nakikita si levy kinakabahan na talaga ako halos pag pawisan na ako ng malamig.
"ahm kuya hindi mo pa po ba napansin or something, baka kasi napano na yun at lagot ako kay janwaine" sabi ko.
"makikita rin natin yun iha wag ka mag alala, mag pahinga muna tayo dito sa bato at hanapin natin sya maya maya din" sabi nya. kahapon ako ngayon sya naman ano ba talaga.
Umalis muna si kuya Ryan dahil iihi lang daw muna at babalikan nya rin naman ako pero nakakatakot parin dahil knowing na mag isa ka lang dito sa kakahuyan geezzz.
May nakita akong gumalaw doon banda sa malaking puno na malapit sa cliff.
Wait baka baboy ramo yun? pero kasi parang hindi, may naramdaman ako yung parang sa mga movies yung kailangan mong lumapit sa kung anong bagay na yun para malaman kung ano man iyon, ganoon ang naramdaman ko dahil na co curious ako gusto kong malaman kung ano yung bagay na nasalikod ng malaking puno na iyon. mahirap pag tinamaan ka ng curiosity.
Nag dahan dahan ako ng lakad para sana intense pero napasigaw ako ng malakas nung lumabas doon si kuya Ryan.
"wahhhhhh kuya anong ginagawa mo dyan? tinakot mo naman ako eh!" medyo malakas ang timbre ng boses ko kaya nagulat din si kuya Ryan saakin.
"ah sorry ma'am doon kasi ako nag ano eh, pasensya na ma'am" sabi nya sabay kamot sa ulo nya.
"hayy sorry din kuya kala ko kung ano na eh" nakakahiya sheeeettt!.
Ilang saglit lang eh pinag patuloy na rin naman ang pag baba dahil medyo dumidilim na rin mukhang uulan pa.
Medyo malayo na rin ang nalakad naman kanina at medyo malayo pa rin ang sadya namin sa bundok kaya nahihirapan narin kami kuya ryan kakalakad.
"grabe naman tong bundok na ito kuya Ryan, gaano ba ito kalaki at hindi natin makita ang ungas na yun?" tanong ko.
"medyo malaki to ineng, pero wag ka mag alala baka nag pahinga sya doon sa tambayan dito lang sa malapit" huh? tambayan? meron? dito?.
"ano po?" ? medyo lito kong tanong.
"oo, tinuro kasi ni marry yung tambayan sakanya dito kahapon baka kako napagod at nag pa huli lang sya saatin pero puntahan parin natin para sigurado" what?.
"sinong marry po?" nalilito pa rin kasi talaga ako.
"nabanggit saakin ng anak ko na si marry na nauna na sila ng kaibigan nyang si Denver kahapon sa pag akyat kaya sinamahan sila ng anak ko at itinuro nya yong mga yun sa tambayan namin, sabi ko naman sa anak ko na amin amin lang iyun eh baka kasi may mahulog at kami pa ang masisi" paliwanag ni kuya Ryan.
Hindi na lang ako nag salita pa at sinundan na lamang siya.
"ahhm kuya Ryan bakit parang lalo po tayong lumalayo? parang ibang lugar na po ito ah" Lumingon sya saakin na naka ngisi, aaminin para syang ibang tao ang creepy ng ngiti nya.
Ang layo na kasi ng tinatahak nya eh at tsaka wala naman to sa mapa na ibinigay saamin kahapon.
"ahh medyo malayo layo pa kasi ineng" sabi nya sabay hawi ng mga d**o at iniluwa nito ang isang madilim na kweba.
"seryoso po ba kayo manong? parang iba po ang pakiram dam ko dito ehh, tsaka hindi naman po yata makakarating si levy sa lugar na ito ehh masyadong nakakatakot" kinakabahan na talaga ako sana sumama na lang ako kanila janwaine eh.
"hindi naman ito na kakatakot ineng medyo mahihimatay kalang sa saya" napalunok ako dahil iba na yung tono nya pati ang ngisi nya.
Gusto kong tumakbo pero hindi magawa ng mga binti ko dahil nanlalamig at naninigas ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko para na akong maiiyak sa takot.
Nakita ko ring nilabas nya ang baril galing sa likuran nya kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin ko naramdaman ko na rin yung luha ko.
Wala akong magawa kasi nasa likuran ko lang sya at maling galaw ko lang ay patay na ako.
Madilim kaya ginamit ni kuya Ryan yung cellphone nya para makita namin ang dadaanan. Ilang minuto lang nakalabas na kami sa kweba at makikita mo sa dulo ng kwebang ito ang mga makukulay na bulaklak at iba pa.
May hinila si kuya Ryan na parang malaking bakal na pabilog ang hugis para itapal sa butas ng kweba at nilagyan ito ng lock.
Kung sakaling ma tanggal ko ang lock ng pinto na yan hindi ko rin kayang buksan mukhang kasing mabigat ang bakal, pero may madadaan ka pa naman sa gilid kaso medyo matarik at pag nagkamali ka ng tapak pwede kang mahulog sa bangin, kaya wala rin akong kawala.
Sinubukan kong bumaba sa gilid kaso isang hakbang pa lang ang nagagawa ko bumigay na yung lupang tinatapakan ko at buti na lang nakahawak ako sa baging at napag tagumpayan kong makaakyat.
"Ayoko na ate jul save me please i'm not gonna tease you anymore please just save me huhuhu" sabi ko habang umiiyak. iyak malala.
Habang umiiyak unti- unting pumapatak ang ulan kaya sumilong ako sa mga halaman pero hindi yun sapat para kaya nabasa parin ako dahil lumalakas ang ulan.
Nakita kong pababa na sya ng hagdan at may dala na syang paying at papunta na saakin. kinuha ko yung bato na malapit sa paahan ko ibinato sakanya, sakto naman at tinamaan sya sa mata haha bullseye.
"hayop ka paalisin mo ako dito sa lugar na to, hayop ka pinag katiwalaan kita pinag katiwalaan ka namin tapos gaganitohin mo lang ako, Gago ka Gago ka!" sabi ko pero hindi ko parin sya tinigilan sa pangbabato haggang sa mawalan na ako ng ibabato sakto naman at may nakita akong malaking kahoy at hinampas ko sya ng hinampas pero hindi nag tagal yun at nahawakan nya ang kamay ko at kinuha ang kahoy na hawak ko.
hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso pero nag pupumiglas parin ako pero sinuntok nya ako sa tyan kaya nawala doon ang atensyon ko, sobrang sakit ng tyan ko huhuhu.
"hayop ka! mamatay kana!" sinigaw sigawan ko sya, at hindi nag tagal inilabas nya ang baril nya at pinaputakan ako sa kanang binti.
"ahhhhh hayop ka!!" sabi ko habang umiiyak.
Sobrang sakit ng tyan at ng binti ko, Ngayon ko pa lang naramdaman to sa tanang buhay ko pero parang lalong sumakit ang sugat ng makita ko na may tumatagas na dugo.
May inilabas syang panyo na kulay itim at inilagay sa big at ilong ko at pag karaan lang ng mga limang minuto yata naramdaman ko na nanghihina ako lalo at bumibigat ang talukap ko ng mata ko.
Nagising ako sa isang kwarto na kahoy lang ang dingding at medyo madilim din ang paligid dahil isang lampara lang ang nag sisilbing ilaw sa silid.
Napansin ko ring pinalitan nila ang damit ko at hindi rin nag tagal tumayo na rin ako pero naramdaman ko ang sakit ng paa ko kapag hinahakbang ko ang kanang paa ko.
Kinuha ko ang lampara upang tahakin ang daan palabas. Inilibot ko ang mata ko at masasabi kong maganda ang silid na to at malaki din pero hindi ko inintindi iyon dahil mas gusto kong lumbas ng silid na ito para umuwi na kasi natatakot na ako huhu.
Tiniis ko ang sakit ng paa para lang makapag lakad ako at makalabas dito at hindi naman ako nabigo kasi sa pag liko lang makikita mo na ang pinto palabas. sa pinto medyo maliwanag na kasi may dalawang lampara kaya pinatay ko ang dala kong lampara at inilapag ko iyon sa gilid at pinihit ang door knob at swerteng naka lock ang door knob.