"Yohoooo, alright!" sigawan dito sigawan doon ang iingay nila.
Nandito na kami sa Cebu dito sa resthouse na sinasabi ni lina. Wala namang maganda dito kundi yung view ang ingay pa.
"para silang nag hihirap ang kulang na lang mag hubad sila" sabi ni lina sabay inom ng juice nya. Nandito kami ni lina sa isang cottage malayo sa party medyo madilim rin kaya keri lang.
"hayaan mo sila" Sabi ko na lang.
Sa totoo lang nakakabagot king uupo ka lang dito sa tabi at manonood pero wala kang choice kasi hindi mo gustong humalobilo sa kanila.
"oh girls what are you doing here? have fun" hindi namin napansin na nandito na pala sa cottage si janwaine.
"meditate" maikling sagot ko at ang shokoy tumawa lang ng malakas.
"Hanggang ngayon ang lambing mo parin cris" sabi nya sabay kindat at umalis na rin kaagad.
"Hay bakit ba kasi ako pumayag na pumunta dito?, Wala naman akong mapapala dito eh" nababagot na talaga ako.
"bakit hindi na lang kaya pumunta tayo sa bar? mas okay doon for sure kesa dito" ang epal talaga neto anong pinag kaiba doon sa dito eh parehas sayawan at alak lang naman ang makikita mo.
"shunga ka talaga kahit kaylan" napailing iling na lang ako.
Nang mag alas 7 na ng gabi nag paalam na ako kay lina na mag papahinga na ako. Gusto ko ng matulog dahil sa sobrang bagot.
Nag linis lang muna ako ng katawan bago humiga sa kama. pang isahan lang yung kamang naka laan saamin ni lina kaya wala akong choice.
Nag scroll lang ako sa f*******: para maantok ang kaso may mga taong kumakalampag sa pintuan kaya napa bangon ako.
"hmmm, right there baby right there" mahinang ungol ng babae. pilit nilang binubuksan ang pinto ng kaharap naming kwarto pero hindi nila ito mabuksan kaya gumawa ito ng ingay.
Hindi ko makita ang mukha nila dahil naka talikod yung lalaki at natatabunan nito ang babae.
"sheet" isinara ko na lamang ang pintuan baka kasi makita nila ako.
"Kung gagawa sila ng kababalaghan sana naman nag hotel na lang sila."
Sumapit ang alas onse ng gabi hindi parin ako makatulog kahit anong gawin kong pag kumbinsi sa sarili ko hindi parin ako makatulog kaya bumaba na lang ako sa kusina. mukhang nag kakasayahan parin sila sa labas kasi medyo maingay pa.
kumuha lang ako ng tubig sa ref at umakyat na sa taas.
"punyeta ka" napasigaw ako ng biglang bumukas ang isa sa mga pintuan at muntikan na akong mabangga at lumabas doon ang hindi pamilyar na lalaki.
"sorry miss nag mamadali kasi ako, kaya pwede bang padaan?" etchosera ka ang demanding. Gumilid na lang ako ng kaunti para makadaan sya.
Pag kalabas naman ng lalaki ay may lumabas din ulit.
"ahm nakita ko yung nang yari, pasensya kana pala doon ha medyo nag mamadali lang kasi yung kaibigan ko eh" sabi ng isang morenong galing sa china ba o Indonesia naka hubad kasi sya at ang tapis lang ay tuwalya para sa ibabang parte ng katawan nya.
"ah ok lang hindi naman big deal yun" sabi ko na lang. bubuksan ko na sana yung pintuan ko nang ilahad nya yung malapad at mukhang magaspang nyang kamay.
"Denver nga pala" sa una gusto na parang ayaw kong tanggapin pero sa huli tinanggap ko pa rin ayoko ko kasing maging rude.
"Cristine" nag shake hands lang kami at nag madali na akong pumasok sa kwarto.
Hindi sa pagiging judgemental o assuming pero hindi ako kumportable sakanya mukha kasing may hidden agenda sya satingin palang.
"Kamusta naman ang tulog mo my dear friend?" mukhang maganda ang gising neto ah?. Nagising ako ng mga 6 ng umaga at itong si lina hindi ko namalayan kung anong oras na pumasok kagabi.
"okay lang naman" mailking sagot ko. Matapos maligo nag sabay na kami bumaba ni lina para kumain ng breakfast.
Mukhang fresh tong mga to ah kala mo walang mga hangover. Mukhang umalis na yung ibang mga bisita kagabi at iilan na lang kaming natira dito.
"Good morning ladies" bati ni janwaine. tumago lang ako bilang sagot.
"Bakit bigla kayong nawalang dalawa sa party kagabi?, alas ostso pa lang ng gabi wala na kayo sa cottage?" sakalagit naan ng pag kain namin nag tanong si ate love kapatid ni lina.
"natulog na ako agad kagabi inaantok na kasi ako ehh" mailking sagot ko. ang hirap kasing kausapin tong mga to eh, pag sinagot mo may tanong nanaman.
"eh Ikaw lina?, hinahanap kita kagabi sa party wala ka? impossible na kasama mo si cris eh hindi ka naman natutulog ng ganoon kaaga?" Mausisa talaga tong isang to.
"lumabas lang ako saglit ate sa mall lang kasi may kinita ako client, emergency kasi buti na lang nandito din sya" Medyo kalmadong sabi nya pero nakikita ko yung kamay nya nakakuyom sa may lap nya. Tumango lang si ate love mukhang kumbinsido.
Hmm mukhang may tinatago ang isang to. Napangisi na lang ako sa galing ng kaibigan kong umarte. Nilingon nya ako at sinamaan ng tingin at ngiti lang ang iginanti ko sakanya.
Umakyat muna kami para makapag bihis na, pupunta kasi kami sa bundok para mag camping doon.
"Hmm ang galing mo talaga mag tago ng sekreto sa iba lina, pero saakin hindi mo parin matago" tinignan ko sya mula sa salamin sa vanity at nakita ko syang napalunok.
"anong pinag sasabi mo jaan cris?" medyo kalmado parin huh?.
"Wala nag sasabi lang ako ng mga na notice ko sa hapag kanina. Hindi ka lumabas lalong hindi ka rin nakipag kita sa kleyente lina" sabi ko sabay hinarap sya.
"pero wag ka mag alala kahit ano pa manyan hindi kita uusisain at hindi rin kita isusumbong sa ate mo" dugtong ko sabay tuloy sa pag i- skincare sa mukha ko.
Niyakap ako ni lina mula sa likod kaya nagulat ako. Hindi naman kasi ganito sa intimate tong si lina.
"sorry at salamat cris ha?, sorry kasi hindi ko masabi sa ngayon yung mga bagay na hindi ko dapat itago at salamat din kasi ang buti mo at malawak ang pag intindi mo saakin" tinanguan ko lang sya at nginitian.
"bilisan mo na at baka tayo na lang ang hinihintay magalit pa si janwaine at nakakahiya sa kanila" tumango lang sya at pumunta na sa Cr para siguro maligo.
"hay nakakapagod naman to!" pag rereklamo ni ate love. Kung sabagay mataas tong bundok at medyo matarik pa.
Matapos ang isang oras na pag lalakad nakarating na kami sa pupuntahan namin. Medyo okay na yung view hindi ko nga lang gusto itong parang falls pag tumalon ka patay ka.
Paano ba naman yung babagsakan mo eh may malaking bato sa gitna kaya hindi safe ang mag dive.
May kasama kaming tour guide na si kuya Ryan. Yung ilog na to may mga hipon din pala kaya tinulungan namin si kuya Ryan na kumuha ng mga hipon para kainin sa lunch.
Pero sa kalagitnaan ng pag kuha umulan ng malakas sayang hindi makakaligo. Medyo nakakuha naman na ng marami raming hipon na kakasya salahat.
Pinatila muna namin ang ulan bago lumibot, kanya kanyang trip ang meron sila picture dito picture doon pero ako umakyat ako sa malaking bato para tignan kung ano yung meron doon mukha kasing ang tahimik bukod sa tubig na umaagos.