Dumampot ako ng isang folder sa table at akmang ibabato sa kanya pero agad syang lumabas. Ibinaba ko ang folder at padabog na umupo sa swivel chair. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa lalaking iyon! Nagsimula na akog mag ayos ng daan daang files na magulo dito sa table nya. About records, events na nangyari sa University at eklabush na di ko alam kung saan patungkol pa iyon. Hanggang sa makita ko ang isang librong makapal na may nakalagay na class pictures batch 2015. Binuklat ko ito at napasandal sa swivel chair. Inisa isa ko ang pangalan nila hanggang sa makita ko ang pangalan ni Brent. Graduated na sya pero bakit nandidito pa rin sya at kung minsa'y nagpapanggap na estudyante? May pagka weird din pala ito tulad ng kanyang ama. Tiningnan ko ang picture nito and I laugh hard a

