"Di mo ba uubusin 'yang juice mo?" Tanong ni Clyde.
Umiling nalang ako at tumayo. Pumunta akong garbage can pero bago pa man ako makalapit doon ay natisod ako at natapon sa kung saan yung juice.
"What the hell?!" Sigaw ng isang lalaki sa harapan ko na nakaupo sa upuan. Ako naman ay pinapapagpagan lang ang palda ko.
Napatingin naman ako sa kanya. This can't be.
That jerk!?
"Oh?tutunganga ka nalang dyan? Di ka manlang ba magsosorry?" sambit nya habang nakaturo sa damit nya.
Wala pa pala syang uniform.
"Sorry? Ok? Kasalanan naman kase nung sahig?" saad ko na ikinunot ng noo neto.
"What the. Nagpapapansin ka ba?" nakangising sambit neto.
Wow. Lakas ah. Ako? Magpapapansin?!
Ingud-ngod ko kaya sya sa sahig ng malaman nya!
Kapal. Ba't naman ako magpapapansin sa kanya? Di porque gwapo-- I mean footsome sya eh ganun na ko kadesperada makuha lang atensyon nya?Over my sexy and gorgeous body!
"How much do you want?"
Mula sa pagkakangisi ay sumeryoso ang mukha nito. Suminghap muna s'ya ng hangin at unti - unti niyang akong tiningnan.
"Di mo ko madadaan sa pera Miss. Mizumi. Iba ako sa mga tao dyan at mga nauna mong butler."
Napakinggan nya ba lahat ng pinag-usapan namin kahapon ni Mr. Yimomori? Chismoso din 'to eh.
"Then, what do you want?"
Tumayo s'ya. Nilagay nya ang kamay nya sa kanyang bulsa at nilapit ang kanyang bibig sa'king tenga. I feel her breathe through my earlobes.
"I want to see your body. Naked."
Ikinalaglag ng panga ko ang mga salitang binitiwan nya. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa mga salitang 'yon at tinulak s'ya palayo, p*****t Jerk!
"Oh?bakit? ayaw mo?" natatawang sabi nya.
Pinanlakihan ko sya ng mata.
"p*****t!"
"Take it or leave it?" ngumiti pa sya ng nakakaloko.
What the. Nang akmang susuntukin ko s'ya ay nagulat ako sa bilis kumilos neto. He was able to catch my fist in just a second! Ni-hindi ko agad napansin ang kilos n'yang 'yon. Napakabilis!
Napanganga nalang ako nang paikutin n'ya ang braso ko at inilagay sa likod ko.
"Bitawan mo 'ko!"
I can feel his warm breath through my ears again. "Wag mo 'kong subukan Miss. Mizumi"
Siniko ko sya at agad naman itong nakalayo. Wala akong pake kung pinagtititingnan 'man kami ngayon. Ang alam ko lang ay sobrang irita na ko sa red eyed person na 'to! Geez.
"Ha!" singhal ko. "I totally hate you perveted jerk!"
Muli itong ngumisi. "The more you hate the more you love, sweetheart"
Kahangalan. Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Oh? Nagbe-beutiful eyes kaba ?" sambit nya pa at nanatili ang ngiti sa labi nya.
Nakakapangilabot ang mga sinasabi ng isang 'to. Ano bang klaseng nilalang ang isang 'to?
" 8 letters, 3 words for you" saad ko.
"You're so sweet. I love you too, sweetheart"
"I.HATE.YOU." may pagdiing saad ko sa bawat salitang iyon at umalis. Ramdam ko ding sumunod sina Clyde
"May secret relationship ba kayo ng transferee na 'yon?!"
Nasamid ako sa sinabi ni Miyami. "Mandiri ka nga sa sinasabi mo Miyami!"
Pervert. A Jerk. Not a gentleman. Fuckboy. Duh! Sino magkakagusto don?
"Hayaan mo, Sira ulo nyan kaya kung ano-ano naiisip." Clyde.
"Anong sabi mong Clyde ka!?"
"Ang sabi ko. Kaya ata Miyami ang pinangalanan sa'yo eh dahil nga sa Miyami kang alam!" pabirong sabi ni Clyde.
"Ikaw? Haha! Patuli ka nga muna bago magmayabang gay! " sambit naman ni Miyami at syaka ito humagalpak ng tawa.
"What the! Gusto mo pakita ko pa sa'yo?!"
"Wag na! Wala din naman akong makikita! HAHAHA"
"Gusto mo ikaw pa magsukat nito e!"
"Oh talaga? Tingnan natin kung kasing laki ba ni Tinker bell o pinky finger yan."
Lumapit sa kanya si Miyami at nanlaki naman ang mata ni Clyde sa ikinilos niya. Kaya tumayo siya pero hinabol pa rin siya ni Miyami.
"Ako na magtatanggal ng belt mo! Lika dito!"
"Kababae mong tao napaka m******s mo!"
Nagpatuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawa. Kahit kailan talaga parang aso't pusa ang dalawang ito.
Sumimsim ako ng juice. Pagtingin ko sa kaliwang table, di kalayuan sa pwesto namin ay nakita ko si Pula. Napatingin din 'to sakin at ako na ang unang umiwas ng tingin.
Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa Judo Club room at nakita ko yung tatlong lalaki na naka-usap ko kahapon. Pumunta muna ako sa girl's locker at nagpalit.
"Anong pumasok sa isip mo't hinamon mo pa ng Judo 'yang mga yan?" Clyde.
"I'm just bored."
Ibinaba ko ang bag ko at pumunta sa gitna. Sinenyasan ko na lumapit ang isa sa kanila.
We both step on the mat then we take a bow. Unti-unti kaming lumpait sa isa't isa at hinawakan ko ang kaliwa at kanan nyang braso. Ganoon din ang ginawa nya.
Sinubukan nyang sipain ang kaliwang binti ko ngunit agad akong nakaiwas at binitawan ang kanang kamay nya. Mabilis kong sinipa ang binti nya habang hawak pa rin ang kaliwang braso nya.
'One shoulder on the ground'
Sa pangalawa at pangatlong lalaki na'to ay walang nakatalo sa akin. Narinig ko namang pumalakpak si Clyde, isa sa tatlong lalaki.
"Pasok po ba kami?" sabi isang baguhan na nakahawak pa rin sa kaliwang braso nya.
Tumango ako. May potensyal sila sa ganitong larangan. Siguro kulang pa sila sa ensayo at kaalaman tungkol dito. Actually silang tatlo lang ang newbies na kinalaban ko.
Inabot na kami ng ala-sais ng gabi. Sinabi ko na mauna na sina Clyde. Ayaw pa sana nilang umalis para samahan daw ako pero di ako pumayag kaya wala na rin silang nagawa.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at i-dinial ang number ni Mister Mashimo.
"Bakit wala pa ho kayo?"
"Oh? Nasan na ba ang butler mo? Sa pagkakaalam ko eh motor nya ang gagamitin nyo pauwi." sagot niya sa kabilang linya
Nasisiraan na ba si Mister Mashimo? Alam naman n'yang takot ako na sumakay sa motor tapos yun pa ang gagamiting pangsundo? Sana kotse nalang pinadala nya.
"Alam kong takot ka pero wag kang magalala, may tiwala ako sa kanya" natatawa pang sabi mula sa kabilang linya.
"Ibababa ko na."
Tumingin muna ako saglit sa screen ng phone ko. I really hate motorcycle. But wait. Ibig sabihin, ngayon ko makikita ang bagong butler na iyon?
Halos mapalundag ako sa takot nang bigla kong maparinggan ang tunog ng motor. Nasilaw ako sa liwanag nananggagaling mula dito.
Kanina pa ba syang nandito? Bakit ba bigla nalang 'to sumusulpot sa kung saan?
Hindi kaya. Sya ang bagong butler? Sino pa ba? Wala na namang ibang motor dito?
"Wala akong balak sumakay sa motor mo. "
"Bakit? Pinapasakay ba kita?"
Anak ng-- BWISIT talaga! Nagmartsa ako palayo sa lugar na 'yon at naghintay ng taxi.
Bwisit na 'yon! Nasan na ba kase sundo ko! Malamang ay di ata ang isang 'yon ang butler ko! Nakakaasar talaga.
Wala pang dumadaang taxi. Tumingin ako sa wrist watch ko.
"6:30 na?"
Medyo kinakabahan ako sa lugar na ito. Walang ibang tao kundi ako. Wala na ding estudyante ang naiwan. At nakakaramdam pa akong may nakatingin sa akin.
Umihip ang malamig na hangin at nangangatog ang mga tuhod ko sa lamig. Uulan pa ata.
Nang makakita ako ng taxi na padaan pa lang ay pinara ko na ito. Nang aktong bubuksan ko ang pinto ay naramdaman may humawak sa balikat ko at itinutok ang kung ano mang bagay sa tagiliran ko.
Isang baril!
"S-sino ka? Anong kailangan mo?" saad ko na mejo naginginig ang aking boses.
Baril ang hawak nya! Natatakot ako na sa isang kilos ko ay maiputok 'to sa akin. Mawalan pa ng maganda sa mundo. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon kung mawawala pa ako.
"Patricia Mizumi right? Natatakot ka ba ?Sorry ha. Ito lang ang paraan he he"
Hindi ko 'to sinagot at nanatiling tahimik. Nasan na ba ang butler ko na 'yon!
"Kailangan mo munang matulog ngayon."? sambit nya na ikinunot ng noo ko.
Naglabas ito ng panyo at itinakip sa ilong at bibig ko. Unti-unti ay nanghina ako at nakaramdam ng antok.
Nakita ko ang isang lalaking nakatabon ng itim na tela ang mukha. Kita ko rin ang mga naniningkit na mata neto.
"Paano kaya kung malaman nyang nasa panganib ang kasintahan nya? Excited na ko sa muli naming pagkikita" muling sambit nya.
Rinig ko ang lakas ng kulog sa kalangitan. Nakaramdam ako ng sunod-sunod na pagpatak ng tubig sa mukha ko.
Binuhat nya 'ko at ramdam ko ang paghinga nya. Mukhang wala nang nakatabon sa mukha neto. Di ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil hinang-hina nako, sanhi ng isang gamot na pinaamoy sakin kanina mula sa panyo.
'Naguguluhan ako. Anong kasintahan ba ang pinagsasasabi ng isang 'to? At sino ba ang tinutukoy nya ? Ba't ako madamay dito?' saad ko sa isip ko bago pa man ako mawalan ng malay.
***