Chapter 4

1625 Words
Bumalik na ng Maynila si Easton, matapos mabigong mahanap ang dalagang hinahanap niya. Ilang beses siyang bumalik sa bar, pero hindi na niya muling nakita si Eli. Gayunpaman, hindi niya alam na makakaharap siya ng panibagong problema sa kanyang pagbabalik. Sa matinding galit, pinunit niya ang sulat ng pagbibitiw ng kanyang sekretarya, nagkalat na ang papel sa sahig. Paano ito nangyari? Dalawang araw lang siyang wala, umaasang kahit papano ay mabawasan ang kanyang stress na nararamdaman. Pero ang ending lalo pang nadagdagan. "Mr. Flores, kailangan ko ng bagong sekretarya." Malamig niyang utos, tumango ang ginoo bago binuksan yung tablet ba hawak niya. Nag-post si Mr. Flores sa mismong page ng HARRISON's CORPORATION. Kung anong araw oras at saang lugar. Siguradong bukas na bukas ay dadagsa ang maraming aplikante. Imbis na magpakastress ang binata, inumpisahan na niyang trabahuhin yung naiwan niyang mga pipirmahan. "Mr. Harrison, inutusan ko na din ang ibang empleyado na magbigay ng mga flyers." Magalang na sabi ni Mr. Flores, tumango lang ang binata bilang sagot. "Any update, naglabas na naman ba ng pera si tanda?" Malamig niyang tanong sa ginoo. "Simula noong umalis ka, hindi na muling lumabas ang iyong ama. Hindi ko lang alam ngayon, nagtatalo na naman sila ng stepmother mo." Napapailing na lamang si Easton. "Sabihin mo agad sa akin oras na naglabas na naman siya ng malaking halagang pera." Seryoso nitong saad, tumango naman si Mr. Flores bilang tugon. Ipinagpatuloy ni Easton ang kanyang ginagawa. Dahil balak niyang umuwi ng maaga, dahil siguradong bukas ay magiging busy siya. Nang matapos na niya ang kanyang ginagawa, inayos na ng binata ang mga naaprubahan nito. Sa kabilang side ay yung mga hindi niya inaprubahan. Napatingin siya sa pinto dahil bumukas ito, sumingkit ang kanyang mata nang makita kung sino yung pumasok. Walang iba kundi si Aubree Walker, ang dati niyang kasintahan na nagloko. "What are you doing here!?" Malamig niyang tanong sa dalaga. "Masama bang dalawin ka, nabalitaan ko ang nangyari dito. Mukhang kailangan mo ang tulong ko Baby." Malanding sagot ng dalaga saka kinindatan ang binata. Nakaramdam ng pagkainis ang binata, sa ginawa nitong panloloko sa kanyang nagawa pa niyang magpakita ulit. "Ano ang tingin mo, Aubree? Dapat ko bang pag-isipang muli ang ating relasyon? Tsk! hindi ka pa rin ba maka-move on? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagloko sa ating dalawa, tapos umaasa ka ngayong babalikan pa kita? Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako makikipagbalikan sayo! Kahit pa tuluyan ng malugi ang kompanya, hindi ko kailangang makipaglaro sayo! Hindi ako tánga, Miss Walker." Bawat pantig na kanyang binibitawan ay umaalingawngaw sa hindi matitinag na pananalig. Sisikapin niyang bawiin ang perang nilustay ng kanyang ama sa pagsusugal. "Hindi pa sa ngayon Mr. Harrison, pero darating ang araw na kailangan mo din ako. Hindi na ako makapaghintay sa araw na yon, sa ngayon hahayaan muna kita. Pumunta lang ako dito para sabihin, aalis ako ng bansa pero sa aking pagbabalik titiyakin kong sa akin ka parin babagsak." Taas noong sagot ng dalaga kay Easton, dahil alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang makuha lahat ng nanaisin. Nanatiling tahimik si Easton habang seryosong nakatingin ng seryoso sa dalaga. Dahil kilala na niya si Aubree, talaga gagawin nito ang lahat para makuha yung gusto niya. Tinalikuran na siya ni Aubree at lumabas ng kanyang opisina. Umigting ang kanyang panga dahil sa galit. Noon ay umikot ang mundo niya sa dalaga lang, pero noong nahuli niyang niloloko lang siya nito hindi nagdalawang isip ang binata na makipaghiwalay kay Aubree. Ngayon ipapakita niyang hindi siya kailanman aasa sa dalaga. —— Habang si Eli, kararating lang ng Maynila, kasama niya ang isang tagapaglingkod nila. Pagbaba niya ng bus ay manghang-mangha ang dalaga. Ngayon lang siya nakatapak sa Maynila, kumislap ang mga mata ng dalaga nang makita ang train. "Wow, sumakay tayo doon parahin mo." Utos niya, pinagtitinginan sila ng mga dumadaan dahil sa lakas ng kanyang boses. "Hinaan niyo po ang boses mo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Mahinang sabi ng ginang sa dalaga. "Gusto ko ngang sumakay doon, tara na mukhang maganda." Pagpupumilit ng dalaga. "Hindi tayo sasakay ng Train, magtataxi lang tayo papunta sa boarding house." Paliwanag niya sa dalaga, nadismaya si Eli, dahil gusto niyang maranasang sumakay doon. Hinila na siya ng ginang, dahil walang balak umalis ng dalaga. Nagpahila naman si Eli, nasa train pa rin ang kanyang tingin. Habang naghihintay sila ng taxi, may lumapit sa kanilang babae may dala itong flyers. "Baka gusto mong mag-apply ng trabaho miss, hiring ngayon ang Harrison's Corporation." Nakangiting sabi ng babae bago inabot ang flyer kay Eli, kinuha naman yon ng dalaga at tinignan. "Try mo pong mag-apply ma'am, baka palarin kayo." Nakatingin sabi nito, tumango naman si Eli. "Sige susubukan ko bukas, maraming salamat dito." Sagot niya, hinila na siya ng ginang pasakay sa taxi. Nakatingin lang si Eli sa mga naglalakihang building. Tama nga ang kanyang ama, ibang-iba dito kesa sa lugar nila. Maraming sasakyan at hindi sariwa ang hangin na kanyang nalalanghap. "H'wag kang agad magtitiwala sa mga taong nakikipag-usap sayo. Hindi mo alam ang takbo ng kanilang isip, kung maaari umiwas ka. Ako ang malalagot sa iyong ama kapag may nangyaring masama sayo." Bilin ng ginang sa kanya. "Wala dapat kayong ipag-alala, kaya ko ang aking sarili. Gusto kong magtrabaho dito sa Harrison's Corporation. Ano ba ang mga kailangan dito?" Tanong ng dalaga sa ginang. "Ako na ang bahalang gumawa ng biodata mo, kapag natanggap ka sabihin mong to follow na lang yung ibang requirements mo." Paliwanag ng ginang, napatango naman ang dalaga. Maya-maya pa ay nakarating na sila sa apartment kung saan sila titira. Agad na humiga sa kama si Eli, gusto niya mo ng matulog dahil pagod siya sa byahe. Nag-scroll down muna siya sa f*******:, nakailang search na din ang dalaga sa pangalan ni Easton pero hindi niya ito mahanap. May mga lumalabas, pero hindi kamukha ng binata. Ibang tao, puro ka-pangalan lang ng binata. "Saan ba kita mahahanap, sa lawak ng maynila mukhang mahihirapan ako." Mahina niyang sabi, habang nakatingin sa kisame. Nilagay na niya yung cellphone sa ibabaw ng table. Bumangon sa pagkakahiga si Eli, kailangan niyang maghanap ng isusuot bukas para sa pag-aapply ng trabaho. —— Maagang ginising si Eli, para hindi ito malate sa pag-aaplayan niya ng trabaho. Kahit inaantok pa ang kanyang diwa kanina ay wala siyang choice kundi bumangon. Isang simpleng white dress ang isinuot ng dalaga, lalong lumitaw kung gaano siya kaganda. Nagsuot siya ng itim na blazer at itim na dalshoes. Inihanda na ng ginang ang mga dadalhin ni Eli, binigyan niya din ito ng pera para pamasahe at pang kain. "Kumilos ka ng parang isang normal na tao, h'wag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Sabihin mo lang sa taxi kung saan kompanya ka mag-a-apply. Mag-ingat ka.." Bilin ng ginang sa dalaga. "Opo, uuwi po agad ako pagkatapos kong mag-apply ng trabaho." Lumabas na ang dalaga sa inuupahan nilang apartment. Huminga siya ng malalim habang naghihintay ng taxi. Nang may nakita siyang paparating, agad niyang pinara. Paghinto ay sumakay na siya, sinabi niya sa driver ang kompanyang pupuntahan. Kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataong mag-a-apply ng trabaho. Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakarating sa nasabing kompanya. Nagbayad na siya sa taxi, nagtanong ang dalaga sa guard kung saan banda pwede mag-apply. "Sumunod po kayo sa akin." Seryoso niyang sagot, sumunod naman si Eli sa lalaki. Kumatok sa pinto ang bodyguard bago binuksan. May mga tulad niya na ding mag-a-apply. Pumasok siya sa room umupo sa pinakadulo. May lumapit sa kanya na babae, kinuha nito ang resume ni Eli ganun din ang iba pang nag-apply. Napatingin silang lahat nang bumukas ang pinto, pumasok doon si Mr. Flores dahil siya ang mag-iinterview. Hindi pwede si Easton, dahil baka lahat ng nag-apply ay mapalayas. Nagsimula na silang mag-interview dahil siguradong mamaya ay magdadagsaan pa ang ibang mag-a-apply. Lalong kinabahan ang dalaga, hindi niya alam kung anong mararamdaman. Natatae siya na naiihi habang pinagpapawisan. Tinignan isa-isa ni Mr. Flores ang mga nag-apply, napukaw ng atensyon niya ang resume ni Eli. Tinawag niya ang isang empleyado. "Dalhin mo ang babaeng 'to kay Mr. Harrison, sabihin mong siya yung bagong sekretarya niya." Utos ng ginoo sa dalaga, tumango naman ito bago kinuha yung biodata ni Eli. Napakunot siya ng noo dahil walang picture ang dalaga. "Sino si Felicity Murray?" Tanong niya sa mga nag-aapply. Nagulat naman ang dalaga, tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Napatingin silang lahat sa dalaga. "Sumunod ka sa akin Miss Murray." Seryoso nitong sabi, bago naunang maglakad. Tahimik na nakasunod si Eli, nagtataka siya dahil walang ideya ang dalaga kung saan sila pupunta. Sumakay sila sa elevator, pinagpapawisan ang kanyang kamay. Kung pwede lang niyang gamitin ang kapangyarihan kanina pa siya nakauwi. Pero kabilin-bilinan ng kanyang ama na kahit anong mangyari 'wag siyang gagamit ng kapangyarihan. Pagbukas ng elevator, nakasunod lang siya sa babae. Huminto sila sa itim na pintuan. "Hintayin mo ako dito, ibibigay ko lang ito kay Mr. Harrison." Bilin ng babae, tumango naman siya bilang sagot. Iginala niya ang kanyang paningin. Wala ng ibang pinto dito kundi ito lang. "Mr. Harrison, ang sabi ni Mr. Flores ang babaeng nasa labas ay ang bago mong sekretarya." Magalang na sabi niya sa kanyang boss. "Papasukin mo." Malamig niyang utos, hindi man lang tinignan ang dalaga. Lumabas ulit ang babae sumenyas siya kay Eli na pumasok na. Huminga ng malalim si Eli, lalo siyang nakaramdam ng kaba nang sumara yung pinto. Napatingin siya sa mesa, hindi niya makita ang mukha ng kanyang magiging boss dahil nakatalikod ang swivel chair nito sa kanya. "Felicity Murray." Tawag nito sa dalaga bago inikot ang kanyang swivel chair. Pareho silang nagulat ng makita ang isa't-isa. "Easton/Eli." Tawag nila sa kanilang pangalan, mababakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD