Masaya ang lahat habang naghahanda sa gaganaping kasal nina Easton at Felicity. Kahit malamig ang klima hindi ito naging hadlang dahil lahat gagawin nila matuloy lang ang matagal ng inaasam-asam. Ang mga bata ay nakasuot ng puting damit habang may dalang maliit na basket at puno ng papel na iba’t ibang kulay. Wala ng mga bulaklak ngayon dahil taglamig na sa kanila. Habang abala ang lahat sa paghahanda, kanina pa hindi mapakali si Felicity sa kanyang silid. Magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan dahil baka may mga sumugod na kalaban para pigilan ang kasal. Kanina pa siya nakabihis, isang simpleng puting dress ang kanyang suot si Easton ay nasa kabilang kwarto, mamaya pa sila magkikitang dalawa. “Eli, kanina ka pa hindi mapakali.” Sita ni Manang sa kanya nah

