AOI’S POV Parang wala ako sa aking sarili habang nakatingin sa aking katabi na mahimbing pa ring natutulog. Ilang oras pa lamang ang nakalipas matapos ang lahat pero parang bumalik ako ngayon sa aking sariling hwesyo. Para akong nahimasmasan sa naging desisyon ko na ipagkaloob ang aking sarili sa lalaking ito. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin at mas lumamang ang galit at kagustuhan kong makaganti kung kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos. Gulong- gulo ang isip ko kanina pero aaminin ko na nagustuhan ko rin naman ang ginawa nito sa akin pero kahit saang anggulo mo tingnan, mali na makipagniig sa taong hindi mo naman lubos na kakilala. Naipikit ko ang aking mga mata sa sobrang frustration. I am a doctor pero nagawa ko ang ganitong klaseng bagay? Ano na lang ang sasabihin ni

