AOI’S POV Sa ikalimang araw namin dito sa isla ay dumalaw si Tatay Kadyo upang kamustahin ang aming kalagayan, dala nito ang isang basket na may lamang gulay, prutas at isda na mula pa umano sa huli nito. “Tatay Kadyo, andami naman po nitong dala ninyo,” sabi ko nang masalubong ko ito sa may pinto ng villa. Hiningal pa ito kahit pa napakalapit lamang ng dalampasigan pero siguro dahil iyon sa dala nitong mabigat na basket at dahil na rin sa katandaan. “Good morning po, Mang Kadyo. Are you alone? Nasaan po si Aling Luming?” tanong ni Eoghan na hindi ko na namalayan na nakalapit na rin sa amin. Kinuha nito mula sa aking mga kamay ang basket na naglalaman ng mga kalakal na dinala ni Mang Kadyo. “Ako nga lang ho mag-isa, Sir Eoghan. Masama po kasi ang pakiramdam ng asawa ko kaya iniwan ko

