AOI'S POV Nang makalabas kami ng klinika ni Dr. Galvez ay may mga ilang buntis na ang nakapila sa labas upang magpatingin din dito. Kita ko kung paano titigan ni Eoghan ang mga inang kasama ang kanilang mga asawang lalaki habang matiyagang nakapila. Ang kani-kanilang mga tiyan ay may iba't ibang laki at mababakas sa mga ito na kagaya ko ay sobra ring natutuwa na mabiyayaan ng anghel. "I want to be with you at every check-up, watching our baby grow until the moment it’s born," anito habang naglalakad kami. Matiyaga kaming naghintay habang wala pa kaming nakitang babaeng OB-GYNE at sinabi ko na rin sa kanya na si Dra. Rosales ang gusto kong tumingin sa akin dahil ito na ang gumawa ng procedure sa akin kahapon. Hindi na ito umangal pa kagaya ng una dahil ayaw niyang lalaking OB-GYNE ang t

