"Aoi, anong kalokohan ito? Ikakasal ka sa kapatid ko? Totoo ba ang sinasabi ni Zyran, ginagawa mo lamang ito para maghiganti at napili mo pa talaga ang kapatid ko. Doktor ka pa man din pero parang wala kang delicadeza," sabi naman ni Tita Zeny. Bakas sa mukha nito ang inis at tila ba sinasadya nitong lakasan ang boses nito para marinig ng lahat. Dahil sa sinabi nito ay mas naging malakas ang bulungan kaysa sa musikang pumapailanlang. Ang mga ito ay may himig ng panghuhusga dahil sa pagpapakasal ko kay Eoghan matapos akong iwan ng kanyang pamangkin na si Zyran. Pakiramdam ko tuloy, ang mga matang pumupuri sa akin kanina ay naging mapanuri. Nakakapanliit tuloy ng pagkatao. "Aoi, alam ko na galit at masama ang loob mo sa akin dahil mas pinili ni Zyran ang anak namin kaysa sa iyo pero sana

