AOI’S POV Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ang kanyang ama. Masama man isipin pero kung ako sa kalagayan ni Eoghan ay mas gugustuhin ko na lang na mawalan ako ng magulang kaysa magkaroon ng ganoong klase ng ama. Napakawalang hiya nito na ipaako sa asawa ko ang pagbubuntis ni Louisa samantalang iniwan nito ang tunay nitong pamilya para kay Tita Zeny na siyang ina ni Zyran. Anong klaseng ama ito na kahit na sa huli ay wala ka man lang makitang pagsisisi sa kanyang mukha at sa halip ay tila nagmamalaki na para bang malaki ang naiambag niya sa paglago ng kinabukasan ni Eoghan. Habang nanonood ako kanina sa bangayan nila ni Eoghan ay pigil na pigil ko ang aking sarili na hindi sumagot. Siguro dala na rin ng aking hormonal imbalance or sadyang kahit sino ang makarinig ay ma-hihigh b

