AOI’S POV Malapad ang aking ngiti habang pauwi. Pagkatapos kasi ng aming pagkikita ni Louisa ay dumiretso na ako sa aking pag-duduty. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pa ng residency dahil sa mayroon na akong lisensya. Pwede na akong pumasok sa mga barangay health centers na kung saan ay mas mapapadali ang aking trabaho o di kaya ay sundin ang gusto ni Eoghan na magtayo ng aking sariling klinika na sa totoo lang ay aking pangarap pero mas pinili ko pa rin ang manatili rito at ipagpatuloy ang aking residency. Sa emergency room ipinapasok ang lahat ng mga pasyenteng may malubha at life-threatening na kondisyon, mapa-car accident, gunshot, sugat, bali, severe asthma at lalo na ang heart attack. Sa emergency room ginagawa ang immediate assessment, paglalapat ng gamot at pagtawag s

