EOGHAN'S POV Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Ray ay sinabi ko na rito na gusto ko ng magpahinga. Sinabihan na nito ang mga tao sa labas na higpitan ang pagbabantay bago ito umalis. Dala ng gamot na aking ininom ay madali akong nakatulog ngunit makalipas lamang ang ilang oras ay agad akong nagising. Para bang naging aktibo at awtomatikong na nagising ag aking diwa. “Eoghan, gising ka pa ba? Ako ito si Louisa ang asawa mo,” mahinhin at puno ng pag-iingat ang kanyang boses ngunit kahit na anong lambing ay kilabot ang aking nadarama dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. “Just woke up. Why show up only now? I’ve been searching for you for quite some time,” mahinang tanong ko sa kanya. Pilit na pinapakaswal ang aking boses na para bang wala pa rin akong maalala. “M-Marami kasi akong pasy

