Chapter 7

1382 Words
AOI’S POV “Anong ibig mong sabihin? Anong imbitasyon?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. “About that dinner a while ago. I am the one who sent you the invitation.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Bago pa man bumuka ang aking mga bibig ay muli naman itong nagsalita. “I can't keep quiet even though I know my nephew's actions will hurt other people.” Ano bang pinagsasasabi nito? Sinong sinasabi nitong pamangkin? Una kong naisip na baka tinamaan na kaagad ako ng ininom kong alak kung kaya hindi kaagad nag-process ang lahat sa utak ko ngunit binalikan ko ang nauna nitong sinabi na patungkol sa dinner. “What do you mean nephew? Si Zyran Kriegal ba ang tinutukoy mo?” nalilitong tanong ko sa kanya. Sinagot niya naman ako sa pamamagitan ng pagtango. Napaawang ang aking bibig dahil sa labis na pagkabigla. Hindi ko inaasahan na ang pasyente ko na ilang buwan ko ring inalagaan at ang lalaking nangungulit sa akin ay walang iba kung hindi ang uncle ng aking magaling na boyfriend/ fiancé or mas maganda sabihing ex. “Uncle ka niya?! Pero paano? Kriegal ang apelyido niya at Bergin ka? Paano nangyari iyon at saka sa loob ng limang taon naming magkarelasyon ni Zyran ay hindi niya naman sinabi sa akin na may uncle siya,” sunod-sunod na tanong ko pero agad akong natigilan kahit pa may gusto pa akong tanungin nang maalalang hindi nga pala ako gusto ng ina ng aking nobyo dahil sa aking family background. Halos mabibilang nga lang sa isang daliri ang dalas ng pakikipagkita ko sa magulang nito at pagsama sa bahay nila dahil kahit gustong-gusto kong mapalapit sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina ay mukhang sila naman ang umiiwas. Ni minsan ay hindi ko pa nakita na ganoon kasaya si Tita Zeny nang makita ko ito sa family dinner kanina kaysa sa tuwing makikita ko ito na sangbakol ang mukha at pinapakita talaga ang pagkadisgusto nito sa akin. Kanina ay napakalaki ng ngiti ng ginang at ang saya nito ay umabot na sa kanyang mga mata dahil sa pagkinang na para bang mas gusto nito si Louisa kaysa sa akin bilang kanyang maging manugang. Bigla akong natahimik at napainom sa bote ng beer na aking hawak saka ko sinimot ang laman ng isang bote. Inilagay ko sa gilid ang basyo ng walang laman na bote saka kumuha ulit ng isang bote sa bucket na may lamang napakaraming yelo saka muling lumagok na tila di alintana ang pait ng lasa nito. “Anong kailangan mo sa akin? Kaya mo ba ako nilapitan dahil naaawa ka sa akin? Dahil alam mong ginagago na ako ng pamangkin mo at nakokonsensya ka dahil pati ang magulang nito ay kinunsinte ang panloloko sa akin dahil hindi nila ako gusto para sa anak nila? Bakit, dahil ba sa galing ako sa pobreng pamilya at isang ulila?” sunod-sunod na tanong ko habang lumalandas na naman sa aking pisngi ang mga luha sa aking mga mata. Pilitin ko man itago at pigilan ang aking sarili na huwag umiyak sa harap ng lalaking ito ay hindi ko naman mapigilan ang aking sarili dahil tila ang aking mga mata ay may sariling buhay at patuloy sa pagtangis. “Zeny is my stepsister. I have a business in the city, but I actually live in Ireland, kaya siguro sa nakalipas na limang taon ay hindi mo ako nakilala. Kung alam ko lang na makakakilala ako ng kagaya mo ay sana matagal na akong pumasyal sa bansang ito,” sagot nito habang titig na titig ito sa akin. Sinamaan ko lang ito ng tingin saka muling lumagok sa bote ng beer. “Aoi, I mean Dra. Aoi. Hindi ko ugaling mangialam sa relasyon ng ibang tao but I know you and I know you're a good person because of the way you take care of me, I mean, your patients kaya ipinaalam ko na sa iyo kung ano ang tunay na nangyayari. Honestly, recently ko lang nalaman ang lahat. Last time, after I went back from Ireland, I saw you walking down that road with my nephew going to a boutique. I even saw you trying on some white gowns, so I thought you were the one he was going to marry. Then, a week ago, they send me this,” paliwanag nito saka ipinakita sa akin ang isang imbitasyon na katulad ng ibinigay sa akin ni Louisa kanina. “Binasa ko ang nakasulat and I frown when I saw na hindi mo pangalan ang nakasulat. Like what I said before, ayaw ko sanang makialam sa relasyon ninyo pero bilang ganti na rin sa pag-aasikaso mo sa akin noong nasa ospital ako ay sinubukan kong alamin kung sino ang babaeng pakakasalan niya but I was surprised when I found out who it was,” dugtong pa nito. “Huwag mo na ipaalala, please and I don’t want your explanations. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa at hangga’t maaari ay lumayo sa iyo na kamag-anak pa mismo ng ex kong manloloko,” angil ko rito at pilit itong pinapaalis subalit hindi man lang ito natinag mula sa pagkakaupo. Hinayaan ko na lang ito sa pagsasalita at muli kong inilunod ang aking sarili sa alak habang binubura ang mga larawan namin ni Zyran sa aking cellphone. Habang binubura ang mga larawan ay parang isang pelikula na nagbalik sa aking alaala ang masasayang pangyayaring kasama ko si Zyran simula noong college days. Napailing na lang ako sa aking sarili upang pigilan ang aking isip sa pagbalik ng masasayang alaala na iyon na sinayang lamang ng lalaking iyon. Maging ang mga larawan namin ni Louisa ay binura ko na rin sa aking gallery maging sa aking social media account. Halos naka-apat na bote na yata ako ng beer nang mabura ko na ang lahat ng kailangan kong burahin. Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng aking pisngi maging nang aking katawan sa kabila ng suot kong sleeveless dress hudyat na tuluyan ng nagkaepekto ang espiritu ng alak sa aking sistema. Nang maubos ang ikalimang bote ay nagpasya na akong umuwi at ipagpatuloy na lang ang pag-iinom sa aking apartment. Kinuha ko ang aking wallet sa aking maliit na bag. Habang kinukuha ay may isang sobre ang nahulog. Agad ko iyong pinulot at binasa iyon. Invitation card ng kasal ng dalawang taksil pala iyon. Ang kakapal ng mga ito, Nagawa pa nila ako bigyan ng imbitasyon samantalang harap-harapan na pala nila akong niloloko. Wala sa sariling binuksan ko iyon upang basahin. Halos maikuyom ko ang aking kamao nang makita ang larawan ng mga ito na kasama sa sobre. Ang damit na pinili ko para sa aming photo shoot sana na inayawan ni Zyran dahil ang rason niya ay hindi na namin kailangan pang magpa-photoshoot ay suot ni Louisa. Maging ang wedding gown na aking napili, bulaklak, singsing at motif na ako mismo ang pumili ay pinili ng mga ito para sa kanilang kasal. Ultimo ang sapatos at mga abay sa kasal ay halos mga kakilala namin, may iba lamang silang dinagdag. Kung titingnan, parang ang lahat ng aking pinaghandaan, pinili at pinagbuhusan ng oras ay hindi ako ang gagamit. Sa halip, ang lahat ng iyon ay paghahanda pala para sa kasal nilang dalawa. Hindi ko napigilang punitin ang cards na ibinigay sa akin dahil sa sobrang galit. Pakiramdam ko ay mas lalo nila akong pinagmumukhang tanga dahil sa ginawa nila. Labis labis na sakit at pamamahiya ang nilikha nila sa akin. Mas lalo akong nagalit kay Louisa dahil wala akong inilihim sa kanya, yun pala ay may lihim na itong inggit sa akin. “Ang kapal talaga ng mga mukha ng mga hayup na yun! Ginawa nila akong tanga! Bakit kailangan pa nilang gamitin ang mga pinili ko. T4ngina, parang ako pa ang naging personal organizer nila ah!” Hindi ko napigilang maibulalas dahil sa sobrang sama ng aking loob. Kukuha na sana ako ulit ng bote ng beer sa bucket dahil nagbagong muli ang aking isip at gusto ko na lang ulit uminom hanggang sa malasing subalit nahagip ng aking mga mata ang lalaking akala ko ay umalis na dahil sa pagtataboy ko kanina. Isang ideya ang pumasok sa aking isip. Isang ideya upang mapaghigantihan ang salawahan kong ex-boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD