#34 "Hon?" nanlaki ang mga mata ni Abi ng biglang dumating si Gino ng oras na iyon. Napatingin siya sa lalaking nasa kaniyang gilid. Lalaking halos ilang dipa lang ang layo sa kaniyang kinatatayuan. Isang lalaking naging dahilan kung bakit naging miserable ang kaniyang buhay. Isang lalaking dati niyang minahal. Isang lalaking kinabaliwan niya. "May bisita ka pala?" nakangiting sabi ni Gino ng minutong iyon. Bitbit ang mga pinamili nito sa palengke, kaagad na lumapit si Abi at tinulungang kunin ang mga binili ng kaniyang asawa at saka ito humalik sa pisngi nito. Gumanti rin naman kaagad si Gino, habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nakatayo sa kanilang harapan. "S-sino..." nauutal na sabi ni Gino. "James. James nga pala pare," kalmadong pagpapakilala ni James kay Gino. Nakuha pa

