#25 Tumigil ang mundo naming dal'wa ng makita namin si James kasama ang asawa kong si Abi. Nagkatitigan kaming dal'wa ni Pauline, hanggang sa hinawakan ko ang kamay ni Pauline ng mahigpit, at ramdam ko ang takot, pangamba at galit sa buong pagkatao niya ng oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin, pero alam kong may tiwala ako sa kaniya. Hindi siya gagawa ng bagay na ikakasama niya at ng mga taong mahal niya. Kaya huminga siya ng malalim at sinalubong niya ang mga bisita raw nito. "Oh, hindi mo naman sinabi na susunod pala dito ang asawa mo, kasama niya iyong secretarya niyang si Abigail. Tanong mo kung may asawa na siya, baka pwedeng ligawan." Napatingin si Pauline sa akin habang nagsasalita ang Kuya Anton niya ng minutong iyon. Habang hindi naman maalis-alis ang n

