#7
Nakatitig lang ako kay Abi habang nagsasalita siya sa mga bagay na nangyari sa kaniya kanina. Kung paano siya nasstress sa mga sunod-sunod na pinapagawa ng boss niya. Sa mga revisions at sa presentation.
"Oh, kanina pa ako nagkukwento ng nangyari ng araw ko, ikaw? Anong nangyari kanina?" tanong niya sa akin.
Napainom ako ng tubig at inayos ko ang pagkakaupo ko,saka ko hinawakan ang kamay niya. Hinimas-himas ito at saka ako nagkwento.
"I met a girl," pagsisimula ko.
"O-okay?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Makulit na babae. Actually, nagpasama siya sa akin na mamalengke," pagpapatuloy ko pa.
"And sumama ka naman?" she sounds like a jealous girlfriend. And I find it cute.
"Sumama, kasi pinilit niya ako."
"At nagpapilit ka naman?" mukha na siyang naiinis.
"W-wait! Let me clear. Sumama ako kasi wala naman akong magawa ng araw na iyon, and hanggang sa pamamalengke lang ako sumama, then after that..."
"Akala ko ba hanggang do'n lang?"
"Hehehe, pinilit niya kasi ako!" pinaghahampas na ako ni Abi ng mga oras na iyon.
"May nangyari sa inyo?" tila para bang galit na galit na siya.
"Wala!" mabilis nasagot ko habang hinaharangan ko nang dalawang kamay ko ang bawat hampas niya sa akin habang tumatawa.
"Sumama lang ako sa condo niya para ihatid siya, tapos umalis na ako! Ayun lang!" paliwanag ko pa. Pero, bigla siyang nag-walk out. Hinabol ko siya at nakita ko siyang nakaupo sa may kama habang hawak-hawak ang cellphone nito. Nang makita niya ako ay tinitigan niya lang ako't tinaasan ng kilay, saka tinago ang cellphone niya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya, pero tinatanggal niya ang kamay ko ng minutong iyon.
"Love, sorry na." halos pabulong na sabi ko sa kaniyang tenga ngunit hindi siya umimik.
"Love," pero wala parin reply.
Bumuntong hininga ako ng malalim.
"Sorry na. Hindi na mauulit. Hindi na ako makikipag-usap sa ibang babae, promise!" itinaas ko pa ang kamay ko to make promise, pero she just continue to ignore me.
"Usap? Wala namang problema sa pakikipag-usap sa babae. Pero the fact na sumama ka pa sa kaniya sa market, and the fact na hinatid mo pa siya sa unit niya, iyon ang problema!" tumaas na ang boses niya at muli siyang tumayo.
"Love, saan ka pupunta?" she went to her closet and she packs some of her things. Pero, hindi niya ako kinikibo. Lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa balikat pero humarap siya't tinulak niya ako ng malakas.
"L-love!" gulat na gulat na sabi ko.
"Don't touch me!" sabi niya na para bang nandidiri.
"L-love, ano bang problema?" tanong ko.
"I don't know! Naguguluhan ako!" sabi niya na para bang naluluha na.
"Love, pwede bang pag-usapan naman natin ito?" sinusubukan ko parin siyang suyuin pero matigas siya.
"Doon muna ako kanila, Mama." Sabi niya.
"W-what? B-bakit?" hindi siya sumagot.
"Ano nalang ang iisipin ng Mommy mo sa akin,"
"Ako nalang ang magpapaliwanag sa kaniya." After she's done packing her things. Bigla nalang siyang bumaba. I tried to stop her pero huli na, nakasakay na siya ng kotse at umalis na ng oras na iyon.
Napaupo nalang ako sa may harapan ng pintuan ng bahay, habang pinagmamasdan na dahan-dahan kinakain ng dilim ang kotse na kung saan laman ang taong pinaka-mamahal ko.