Chapter 9

689 Words
#9 Nakakailang bucket na kami ng alak at tinatamaan na ako ng pagkahilo dahil nga sa dami na nang nainom namin pero itong si Pauline, parang wala lang sa kaniya. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Nakaramdam ako ng hilo at tumama ang ulo ko sa may lamesa, at naramdaman kong inangat ni Pauline ang ulo ko. Sa sobrang hilo ko para bang lumabo ang paningin ko't para bang iba ang nakikita ko sa harapan ko. Imahe ni Abi ang nakikita ko. Dahan-dahang nilipat ang mukha niya na para bang hahalikan niya ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko't para bang namamagnet ang mukha ko't dahan-dahan rin itong lumalapit sa kaniya hanggang sa... "A-aray!" isang malakas na sampal ang inabot ko mula kay Pauline. Nagising ang nalalasing kong diaw ng minutong iyon. "Bakit mo naman ako sinampal?" nahihilo pang tanong ko sa kaniya. "Kasi inaantok ka na. Ang hina mo naman pala, nakakatatlong bucket pa lang tayo, nalasing ka na?" hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya magsalita. Para bang hindi siya babae kung umasta at magsalita. Ang astig ng personality niya. "Sorry na, hindi naman kasi ako sanay uminom." Nararamdaman kong para bang nasusuka na ako. "Puta! Subukan mo lang sumuka dito! Sasamain ka sa akin!" babala pa niya sa akin. Hanggang sa tumayo ako't pumunta ng banyo't do'n ko binulwak iyong mga nakain at nainom naming alak, hanggang sa natapakan ko ang suka ko't nadulas ako. Sumubsob ang mukha ko sa mga sinuka ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Nag-iinit ang buong katawan ko. At muli na naman akong umiyak. Muli na namang nanumbalik iyong mga ala-ala na nangyari kanina. Awang-awa ako sa sarili ko. Para bang lugmok na lugmok na ako. Hanggang sa... "Tang-ina! A-anong nangyari sa iyo?" kaagad na lumapit si Pauline sa akin at inalalayan ako. Hinawakan niya ang katawan ko't tila para bang naalarma siya. "Puta! Ang init ng katawan mo!" natatarantang sabi niya. Baka dala lang ito ng alak. Sabi ko sa isip ko. "Hoy! Hoy! Hoy! Putang-ina ina, kapag hindi ka humarap sasapakin kita!" sabi ni Pauline do'n sa waiter na hindi siya pinapansin. "B-bakit po mam?" tanong ng waiter sa kaniya. "Bingi ka ba? Tinatawag kita, kasi kailangan ko ng tulong mo! Tulungan mo akong buhatin siya, bilis!" utos pa niya sa waiter ng minutong iyon. Para na akong nabibingi at para bang kinakain na ako ng hilo ko ng minutong iyon. Hanggang sa nagpassout na ako, nandilim na ang paningin ko. Nang muli kong imulat ang mga mata ko, napansin ko si Pauline na nasa paanan ko't mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa paligid. Mukhang nasa ospital na naman ako. Maya-maya ay tila naalimpungatan si Pauline at nagising siya. Tumingin siya sa akin, at ningitian ko siya. "O-oh, gising ka na pala! Kamusta na ang pakiramdam mo?" kaagad niyang tanong sa akin. "A-ano bang nangyari?" ang huling naaalala ko kasi nagsuka ako sa loob ng banyo tapos pagkagising ko nandito na ako. "H'wag mo nang alalahanin iyon. Ang maigi, buhay ka." Sagot ni Pauline sa akin. "O-okay," naguguluhang sagot ko. "Gusto mo bang tawagan ko si Abi?" sabi niya. "H'wag!" sabi ko. Ayaw ko kasi na malaman niyang naglasing ako dahil sa kaniya at baka makita pa niya si Pauline at kung ano pang isipin niya, mas lalo pa siyang magalit sa akin. "Okay, as you wish. Anong gusto mong kainin?" tanong ni Pauline sa akin. "Wala," walang ganang sagot ko. "Hoy! Anong wala? Hindi pu-pwede iyan. Sige na, kahit ano, name it." Pangungulit pa niya. "Gusto ko lang naman na maging maayos na kaming mag-asawa." Malungkot na sabi ko kay Pauline. "Ay, iba rin! Pinapagaan ko na nga ang usapan. Humugot ka na naman! Iba ka rin talaga e no? Iyon din naman ang gusto ko, ang bumalik ang asawa, este si James sa akin. So, makikipag-cooperate ka na ba sa plano ko?" palagi niyang sinasabi na may plano siya, pero hindi naman niya sinasabi iyong plano. "Ano ba kasi iyong planong sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya. "Tayo ang magiging karma nila." She smiles like she already won the game.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD