#21 Tumayo ako at pinulot ko ang damit ko habang nakatingin ako sa kanilang dal'wa na magkayakap. Sinuot ko ang brieft ko, gano'n din ang pantalon ko saka ako lumabas ng kwarto naming mag-asawa. Saglit akong napaupo at napasandal sa may pintuan habang tumutulo ang luha. Ang mainit-init na butil ng luha mula sa akin mga mata. Ramdam na ramdam ko ang awa sa sarili ko. Maski ba naman sa pakikipagtalik, kailangan kong may kahati? Sa una lang siya masarap, pero kaagad kong naisip na mali. Maling-mali ang ginawa ko. Pinagsusuntok ko ang sahig ng sobrang lakas hanggang sa mapansin kong dumudugo na ang kamao ko. Tumayo ako at dumiretso sa may kusina. Binuksan ko ang faucet at itinapat doon ang aking kanang kamay na siyang mayro'ng sugat dahil sa pagsuntok ko kanina. Hanggang sa nagvibrate ang pho

