#36 Randam ang awkwardness ng tatlo, maliban kay Gino na tila para bang excited at masaya na makita ang dating asawa ni Pauline na siyang kanilang kaibigan rin pala. "Siguro ka ba talagang hindi tayo close noon?" hindi naiwasang itanong ni Gino kay Pauline ng minutong iyon ang tungkol sa napag-usapan nila noon, na sinabi ni Pauline na hindi nga raw sila magkaibigan, kundi magkakilala lang raw. Hindi naiwasang hindi mapatingin kay James, saka niya inilunok ang pagkain naipon sa kaniyang lalamunan ng minutong iyon. Nang tanungin kasi siya ni Gino, ay kakapasok palang ng pagkain sa kaniyang bibig, halos maibuga na niya ito nang marinig nga ang tanong ng lalaki sa kaniya. "Hindi nga, bakit ba ang kulit mo?" pangiting sagot nito. "So, paano kayo naging related sa aming mag-asawa?" napaluno

