#38 James's POV Kung seryoso ka talaga na mapatawad niya, kailangan mong bumawi. Kailangan mo siyang harapin. Kahit na ayaw na ayaw ka niyang makita. Ito ang sabi ko sa sarili ko. Kaya ngayon nakaharap ako sa salamin at pusturang pustura, maayos na buhok, floral na polo, kahit na hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganitong klaseng damit. Na pinartneran ng Jeans at white rubber shoes. Kung titignan mo ang sarili ko, para akong nagbibinata palang sa suot ko. Na may makapal nab albas siyempre sa mukha. Naaasiwa ako sa itsura ko, pero kung makukuha ko ba naman ang atensyon ni Pauline sa ganitong paraan, bakit ko naman ipagkakait iyon sa sarili ko? "Sir, saang costume party po kayo pupunta?" tanong ng secretary kong si Jasmine sa akin. Palihim siyang natatawa pero nakikita ko sa mga mata ni

