Kastor’s POV Inisang lagok ko ang alak na sinalin ni Apollo sa baso ko habang nasa likod kami ng aking bahay. Kasama ko rin ang iba kong kaibigan at nag-iinuman kami ngayon at nagpapahinga na si Cleoh sa aming kwarto. Hindi na siya pumasok pa sa kanyang trabaho kahapon dahil na rin sa natamo niyang burn sa kanyang braso at kamay. Tinapunan ba naman siya ng mainit na soup ng aking baliw na asawa habang nasa trabaho niya si Cleoh. I should have seen that coming! Bakit hindi ko naisip na pwede niyang puntahan ang babaeng kasa-kasama ko sa kanyang pinagtatrabahuhan? Nakakagigil sa galit ang ginawa niya! Ang hirap na makitang tinitiis niya ang sakit mula sa kanyang sugat sa tuwing nililinisan ko ito. Kagaya na lang kanina na umiiyak siya at umuungol ito sa sakit. Hindi ko kayang makita siyan

