Nandito na ako ngayon sa kwarto kung saan ako dinala ni Papa. Nagamot na niya ang injury ko sa pisngi at tagiliran at pinainom niya na rin ako ng gamot. Dahan-dahan akong humiga sa kama and I just feel so tired. Napansin ko rin na gabi na at ilang oras din akong nakatulog sa sasakyan ko kanina. Wala kaming imikan ni Papa kanina at nakakatakot ang nakikita kong galit mula sa kanya. Napahawak ako sa akin tagiliran ang bumuntong hininga ako. Bukod sa galit, kitang-kita ko rin ang concern a kanyang mga mata habang ginagamot niya ako. Nakakahiya dahil nakita niya akong ganito. Napahawak ako sa aking pisngi at hindi ko napigilan na mapaluha. Hindi ko iniiyakan ang lalakeng ‘yon. Iniiyakan ko ang aking sarili dahilnagpakatanga ako sa lalakeng minahal ko. I would have been like this kung hindi k

